Trending hanggang ngayong Linggo ng hapon, July 31, 2022, sa iba’t ibang social media platforms ang GMA Thanksgiving Gala na ginanap sa Shangri-La The Fort kagabi, July 30.
Isa itong palatandaang tagumpay ang maningning na okasyon dahil napukaw nito ang interes ng publiko.
READ MORE:
- Marian Rivera channels Grace Kelly at GMA's Thanksgiving Gala Night
- GMA Thanksgiving Gala 2022: Kapuso leading men rule the red carpet (Part 3)
- GMA Thanksgiving Gala 2022 arrivals: Ladies in white (Part 2)
- GMA Thanksgiving Gala 2022: The most glamorous red carpet arrivals (Part 1)
- Couples spotted at GMA Thanksgiving Gala Night 2022
Imbitado sa Thanksgiving Gala ng Kapuso Network, na nagdiriwang na ika-72 anibersaryo, ang mga kilalang personalidad at lahat ng mga artista ng GMA-7, sikat man o baguhan.
"The who?" ang malupit na reaksiyon ng ibang netizens sa aspiring stars na binigyan ng pagkakataong makapaglakad sa red carpet.
Pero tila nakalimutan nilang nagsimula rin sa pagiging baguhan ang mga sikat na artista ngayon gaya nina Alden Richards, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, at Marian Rivera.
Mga artistahin ang hitsura at magaganda ang bihis ng mga baguhang pinaghandaan nang husto ang Thanksgiving Gala kaya kahit papaano, masakit sa kanila ang tawaging nameless o the who.
Hindi dapat panghinaan ng loob ang aspiring actors at actresses dahil tiyak na darating ang araw na makakamit nila ang pangarap na magkaroon ng pangalan at sumikat sa showbiz, kung magsusumikap sila.
At para sa mga mapang-uring netizens, nag-uumpisa tayong lahat sa pagiging baguhan kaya dapat maghinay-hinay sa panghuhusga sa kapwa.
SIDELIGHTS
May dalawang set ng mga host ng red carpet ng Thanksgiving Gala, sina Sophia Senoron at Martin Javier, Tim Yap at Gianna Llanes.
Sina Sophia at Martin ang mga host ng Rise Up Stronger: The Road to NCAA pero malaki ang pagkakaiba nito sa ginawa nila sa Thanksgiving Gala.

Martin Javier and Sophia Senoron
Tila nalimutan ni Sophia na live na napapanood sa Facebook page at YouTube Channel ng GMA-7 ang okasyon kaya naging komportable siya sa pananalamin sa salamin na bahagi ng backdrop para tingnan ang kanyang hitsura.
Nakita rin si Sophia sa harap ng kamera habang gamit ang daliri, binabawasan niya ang lipstick na kumalat sa kanyang labi.

Hindi yata updated si Martin sa current events kaya paulit-ulit na "Mayor Lani" ang tawag niya sa actress-politician na si Lani Mercado-Revilla na nahalal na house representative ng lone district ng Bacoor City noong May 9, 2022.
Itinuwid lamang ni Martin ang pagkakamali nito nang may magbulong sa kanyang kongresista na at hindi na mayor ang asawa ni Senator Bong Revilla.

Apparently, hindi kilala ni Martin si Lhar Santiago, ang senior showbiz news reporter na gabi-gabing napapanood sa news program ng GMA-7 dahil si Sandra Aguinaldo-Ropica lamang ang kanyang ipinakilala nang maglakad ang dalawa sa red carpet.

Lhar Santiago and Sandra Aguinaldo
May problema rin sa in-charge sa graphics o sa mga pangalang inilalagay sa television screen para makilala ang mga dumarating na bisita.
Imbes na Harlene, "Herlene" ang spelling ng pangalan ni Harlene Bautista na inilagay ng graphics operator. Ang comedienne at binibining Pilipians 2022 candidate na si Herlene Budol ang Herlene, hindi si Harlene.

Harlene Bautista and Federico Moreno
Tila hindi rin kilala ng graphics operator si National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee kaya wala itong pangalan nang maglakad sa red carpet.
Paulit-ulit ang pagsasabi ng mga host sa salitang red carpet pero walang red carpet ang madulas na sahig na nilakaran ng mga bisita. Madulas dahil sa mga artistang nawalan ng balanse sa paglalakad gaya nina Rere Madrid at Chariz Solomon.

Chariz Solomon
Hindi pasado sa amin ang aluminum foil backdrop na ginamit sa set ng red-carpet interview na nakasira sa old Hollywood black and white theme ng Thanksgiving gala na hindi na nga kaaya-aya sa paningin pero may mga close-up shot.
Stand-out si Alice Dixson sa mga veteran star na dumalo sa anniversary party ng GMA 7. Stand-out dahil bukod tanging siya ang nagsuot ng gown na kulay dilaw.
“I heard it was black and white but we decided to go with the bright canary yellow,” paliwanag ni Alice tungkol sa damit niya sa interbyu sa kanya ni Tim.
Sabi naman ni Tim, “Okay lang, the resolution of the Facebook page is in black and white.”

Si Tim at ang radio DJ-television host na si Gianna Llanes ang mga host ng ikalawang bahagi ng red carpet.
Para sa isang baguhan, mahusay na host si Gianna dahil ipinararamdam nito na ang mga iniinterbyu nila ni Tim ang mga bida sa gabi ng Thanksgiving Gala at hindi sila ng kanyang co-emcee.
Hindi komedyante si Tim kaya hindi epektibo ang mga punchline niya dahil tila siya lamang ang nakakaintindi at natatawa sa kanyang mga sinabi.

Nang sabihin ni Michael V. na si Dick Tracy ang inspirasyon ng kanyang outfit, “Dick Tracy Garcia” ang hirit ni Tim bilang pagtukoy sa isang executive ng GMA Films.

Michael V with wife Carol Bunagan
Hindi rin bumenta sa amin at pati na rin kay Benjie Paras ang hair joke ni Tim tungkol sa kanila ng kanyang anak na si Andre.
“Huwag naman,” reaksiyon ni Benjie sa hair-loss-but-hair-growth joke ni Tim dahil mana umano sa kanya si Andre.

Kitang-kita ang pagtatanong ni Tim tungkol sa pangalan ng aktres na kanyang kakausapin pero hindi niya kilala—si Kylie Padilla na may suot na fishnet mask.
Nang nag-uusap na sila, muling nagbitaw si Tim ng biro na siya lamang ang natawa.
Aniya, "Kasi, sabi ni Kylie, nakita raw niya sa labas ng hotel na no mask, no entry."

Hindi rin nakakatawa ang sinabi ni Tim kay Mark Herras: “Si Mark kamukha ni George Clooney. Hindi George Estregan ha, George Clooney ha?”

Sina Mark, Rita Daniela, at Kristoffer Martin ang magkakasamang kinausap nina Tim at Gianna sa red carpet.
Ang introduction ng Filipino-Chinese eventologist at host kay Kristoffer ang isa sa malaking boo-boo niya kagabi.
Without batting an eyelash, buong ningning at walang pag-aalinlangang ipinakilala ni Tim si Kristoffer bilang si “Ian Kristoffer!”

Trivia: Si Ian Kristoffer de Leon ang nag-iisang anak ng Superstar na si Nora Aunor at ng Philippine Drama King na si Christopher de Leon.