Hindi pa tapos ang mga isyu ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta laban sa ABS-CBN.
Isa siya sa dalawang may-akda ng House Resolution 00036, "A Resolution Directing the Appropriate Committee of the House of Representatives to Conduct an Investigation, in Aid of Legislation, to Determine the Alleged Violations of ABS-CBN with Respect to its Franchise and the Imposition of Concomitant Administrative Fines As a Result Thereof by the National Telecommunications Commission."
Inihain ang House Resolution 00036 noong July 11, 2022 pero nakabinbin pa ang unang pagbasa nito.
Bukod kay Marcoleta, principal author din si Sagip party-list Representative Caroline Tanchay ng resolusyong may "national significance."

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal
Wala sa website ng House of Representatives ang kumpletong paliwanag tungkol sa resolusyon at reklamo ni Marcoleta laban sa TV network, na hindi pinagkalooban ng bagong prangkisa ng mga miyembro ng Kongreso noong July 10, 2020, kaya hindi pa malinaw sa lahat ang diumano’y mga panibagong paglabag ng ABS-CBN.
Napagtuunan ng pansin ang resolusyon na inihain nina Marcoleta at Tanchay isang araw matapos sabihin ni ABS-CBN at CEO Carlo Katigbak sa Annual Shareholders Meeting na malapit nang bumalik sa kakayahan na kumita ang kanilang kompanya na may partnership sa GMA-7, TV5 at A2Z.
Read: ABS-CBN still weighing options about franchise renewal
Sinubukan ng Cabinet Files na hingin ang panig ni Marcoleta tungkol sa House Resolution 00036, pero hanggang ngayong Biyernes ng gabi, hindi pa siya nagpapadala ng sagot.
Miyembro si Marcoleta ng religious group na Iglesia ni Cristo at isa siya sa mga lantarang hindi pumabor na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN noong July 2020.
Kasama si Marcoleta sa listahan ng pitumpong (70) miyembro ng Kongreso na bumoto para huwag nang pagkalooban ng franchise ang Kapamilya Network.
Read: Who are the 70 solons who voted to kill ABS-CBN appeal for franchise renewal?