PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maegan Aguilar, mala-"Anak" ang nangyayari ngayon sa buhay

Panay ang post ngayon ni Maegan para magkasundo sila ng amang si Freddie.
by Jojo Gabinete
Published Jul 24, 2022
Maegan Aguilar, Freddie Aguilar
Aminado si Maegan Aguilar na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uuusap ng amang si Freddie Aguilar. "Hindi kami okey because of the choices I made in my life," ani Maegan.

Hindi pa maayos ang relasyon nila ng kanyang ama na si Freddie Aguilar at hindi niya kapiling ang tatlong anak na iba’t iba ang tatay, ang mga rebelasyon ni Maegan Aguilar nang sumali ito kahapon, July 23, 2022, sa "Bida Next," ang contest ng Eat Bulaga na naghahanap ng bagong co-host.

“Kami rin ni Tatay, meron kaming distance right now. We’re not in good terms. Hindi kami okey because of the choices I made in my life. He doesn’t approve and it’s so hard to explain.

“Mahirap mag-explain, so ipinapasa-Diyos ko na lang din na one day, I could be fixed with my father as well,” kuwento ni Maegan sa "Bida Next" segment ng Eat Bulaga tungkol sa relasyon nila ng kanyang ama na hindi pa rin siya kinakausap hanggang ngayon.

Noong January 2021, nag-post si Maegan ng mensahe ng pangungungulila para kay Freddie sa kanyang Instagram account.

Aniya, “ Nami-miss kita tay...baka hindi na kita mayakap ng ganito ulit dahil marami na po ang nagbago sa mga buhay natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“How I wish I could just call you anytime, visit you anytime and hug you tight and tell you about my good days and bad days...

“I'm not as hard or cold as I may seem, may puso din po ako na nakakaramdam din at nakakaalala from time to time how happy and close we used to be before. I love you tatay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Freddie ang umawit ng 1978 iconic song na "Anak" na isinalin sa mahigit dalawampung lengguwahe ng iba't ibang mga bansa at sumikat sa buong mundo.

Maikukumpara sa madamdamin na lyrics ng "Anak" ang mga nangyayari ngayon sa buhay ni Maegan na matindi ang pangungulila sa kanyang ama na parang pahiwatig ng pagsisisi niya sa mga binitiwang salita noong May 2014.

Mabigat ang paratang ni Maegan laban kay Freddie na diumano, nagpalayas sa kanya at sa mga anak niya sa bahay na dating tinitirhan nila nang magkakasama, dahil lamang sa bulok na gulay at utang na nagkakahalaga ng P1,500.

“Parang hindi na siya icon, parang hindi na siya Freddie Aguilar. Para na siyang squatter.

“Nagsisisi talaga ako na ipinagtanggol ko sila. Nagsisisi ako na tatay ko siya,” ang masasakit na salitang pinakawalan noon ni Maegan laban sa sariling ama.

Tinawag din ni Maegan na dirty old man si Freddie dahil pinakasalan nito noong 2013 ang 16-year-old girlfriend sa isang Muslim rite.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Maegan Aguilar denounces dad Freddie Aguilar: "Nagsisisi ako na tatay ko siya."

Sa kabila ng mga mabibigat na paratang ni Maegan, hindi nagsalita si Freddie tungkol sa isyu dahil sa pagmamahal niya sa kanyang anak.

Ang kapakanan ni Maegan ang inisip ni Freddie kaya pinili nito na manahimik at makalipas ang walong taon, ang singer-actress na ang gumagawa ng paraan na muling bumalik ang dating magandang relasyon nila sa pamamagitan ng mga reconciliatory post sa social media para sa kanyang ama.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado si Maegan Aguilar na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uuusap ng amang si Freddie Aguilar. "Hindi kami okey because of the choices I made in my life," ani Maegan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results