Ngayong July 21, Huwebes, ang kaarawan ni Rossel Velasco-Taberna, ang maybahay ng broadcast journalist na si Anthony "Ka Tunying" Taberna.
Sa pamamagitan ng Instagram, nagpasalamat siya sa Panginoong Diyos dahil ipinagkaloob sa kanya ang "ultimate birthday wish" niya—ang paggaling ng kanilang anak na si Zoey na dinapuan ng leukemia.
Read: Anthony Taberna's daughter Zoey now cancer-free: "I thought that it was the end for me."
“God has already granted my ultimate birthday wish in advance. I already gave all my wishes for my entire life to my daughter, Zoey. For her healing,” mensahe ni Rossel.
Muntik nang maging bahagi ng showbiz si Rossel dahil sumali siya noon sa Season 4 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.
Pero iba ang plano ng Diyos para sa kanya, ang maging asawa ni Ka Tunying at ina ng kanilang dalawang anak na babae.
Patuloy ni Rossel sa kanyang Instagram post, “As you all know, my family and I were gone for half a year, and I’m so happy now that we’re home. God really came through.
“Anything that I receive beyond this miracle are all bonuses already. WE ARE COMPLETE. What more can I ask for?
“With this, to say that the past year has been crazy is an understatement. Nevertheless, I’m filled with gratitude because every day, there’s always something to look forward to or get excited about.
"Now that I’m turning 30+, I just can’t wait to see what the good Lord has in store for all of us."
Lubos ang pasasalamat ni Rossel sa Diyos dahil sa milagrong ipinagkaloob sa kanilang pamilya.
Bumati rin ng maligayang kaarawan si Ka Tunying sa pinakamamahal na asawa nito na itinuturing niya na suwerte sa kanyang buhay.
Mensahe niya: “Happy happy 30+ birthday Beb. Alam kong ibinigay na ng Ama ang regalong hiningi mo — ang paggaling ni Zoey sa kaniyang karamdaman.
“Dalangin ko sa Ama, huwag ka nang magkakasakit, laging happy kahit madaming responsibilidad, maligayang makatupad ng tungkulin at manatiling mapagpakumbaba kahit ano pa ang mangyari.
“Alabyu Beb.Suwerte ko sa’yo, suwerte ka rin sa akin! (humabol pa talaga).”