Incest o pakikipagrelasyon at pakikipagtalik sa isang kadugo o kamag-anak ang mabigat na akusasyon laban sa popular Puerto Rican singer na si Ricky Martin.
Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang lumabas ang balita na inireklamo si Ricky ng domestic violence ng kanyang pamangkin.
Diumano, hindi matanggap ni Ricky na tapos na ang kanilang relasyon kaya naglabas ang isang huwes ng temporary restraining order para hindi siya makalapit sa complainant.
Hindi binanggit ang pagkakakilanlan ng nagrereklamo dahil protektado ito ng Law 54, ang Domestic Abuse Prevention and Intervention Act ng Puerto Rico, pero ang kapatid ni Ricky na si Eric Martin ang nagbulgar ng pangalan ng pamangkin, si Dennis Yadiel Sanchez.
Sa ilalim ng Law 54, nahaharap si Ricky sa limampung taong pagkakakulong kapag napatunayang totoo ang "incest charges" laban sa kanya.
Nakasaad sa reklamo ni Sanchez na dumanas siya ng physical at psychological attacks mula kay Ricky sa loob ng pitong buwan nilang relasyon.
Pero ayon sa mga report, hindi umano alam ng sikat na singer na pamangkin niya ang kanyang kasintahan.
Magsisimula sa July 21 ang pagdinig sa kasong isinampa ni Sanchez at kailangan nitong sagutin ang mga tanong tungkol sa mga paratang niya laban sa kanyang tiyo.
Mariin na pinabulaanan ng mga abogado ni Ricky ang mga reklamo ni Sanchez sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.
Anila, “We are confident that when the true facts come to light in this matter, our client Ricky Martin will be fully vindicated.
"The allegations against Ricky Martin, leading to a protection order, are completely false.”
Sinabi ng abogado ni Ricky na si Marty Singer sa panayam ng The New York Post na may "deep mental health challenges" si Sanchez.
“Ricky Martin has, of course, never been—and would never be—involved in any kind of sexual or romantic relationship with his nephew. The idea is not only untrue, it is disgusting.
“We all hope that this man gets the help he so urgently needs. But, most of all, we look forward to this awful case being dismissed as soon as a judge gets to look at the facts.”
Pinabulaanan din ni Ricky ang mabigat na paratang ni Sanchez sa kanyang tweet noong July 3.
“The protection order entered against me is based on completely false allegations, so I will respond through the judicial process with the facts and the dignity that characterize me.
“Because it is an ongoing legal matter, I cannot make detailed statements at this time. I am grateful for the countless messages of solidarity, and I receive them with all my heart, “ ang tweet ni Ricky na kasal sa kanyang asawang si Jwan Yosef mula pa noong 2017.

Tahimik naman si Yosef tungkol sa eskandalo na kinasasangkutan ng Latin pop star.
Sumikat si Ricky sa Pilipinas noong 1980s dahil kabilang siya sa Menudo, ang Puerto Rican group na nagpasikat ng mga kantang "Explosion," "If You're Not Here," to name a few.
Noong 1990s, mainit din ang pagtanggap ng mga Pinoy kay Ricky Martin, this time bilang solo artist. Ang mga kantang "Livin' La Vida Loca" at "Shake Your Bon-Bon" sa kanyang 1999 Ricky Martin album ay naging dance craze sa bansa.