PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Marcos giant billboard goes viral for wrong reasons

The Kingmaker director, inireklamo ang billboard ni Imelda.
by Jojo Gabinete
Published Jul 2, 2022
imelda marcos billboard
Agaw-pansin sa mga motorista sa EDSA ang giant LED billboard (kanan) ni dating Unang Ginang Imelda Marcos para sa ika-93 kaarawan nito ngayong araw, July 2, 2022. May napansin ka bang mali sa nakasulat sa billboard?
PHOTO/S: Lauren Greenfield / Facebook

Ngayong July 2, 2022, Sabado, ang ika-93 na kaarawan ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos.

Tulad ng sinabi ng kanyang anak na si Senator Imee Marcos sa nakaraang digital media conference ng pelikulang Maid in Malacañang, ang ina niya ang pinaka-excited sa pagbabalik ng kanilang pamilya sa Palasyo matapos mahalal na Pangulo ng bansa si Ferdinand Marcos Jr.

Read: Imelda Marcos, excited sa pagbabalik sa Malacañang; Juan Ponce Enrile, tinamaan ng COVID-19

Si Imee ang nagkuwentong magdiriwang ng kaarawan sa Malacañang Palace ang kanyang ina na huling nagkaroon ng selebrasyon sa naturang lugar noong July 2, 1985.

Nang sumunod na taon, noong 1986, napatalsik sa Malacañang ang pamilya Marcos pagkatapos ng 20 taon dahil sa makasaysayang EDSA People Power Revolution.

Isang malapit sa pamilya Marcos ang nagsabing dalawang daan (200) ang imbitado sa 93rd birthday celebration ni Imelda na kinabibilangan ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Kaugnay ng kaarawan ni Imelda, isang giant LED billboard ang makikita sa south wall ng GA Tower sa Mandaluyong City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi puwedeng hindi mapansin ng mga motorista sa kahabaan ng EDSA ang higanteng larawan ni Imelda na may nakasulat na "Happy 93th Birthday FIRST LADY IMELDA ROMUALDEZ MARCOS."

Agaw-pansin ang matingkad na pula na kulay ng gown na suot ng former First Lady na binansagan noong "The Iron Butterfly."

Ang larawan ni Imelda na kuha mula sa larawan nito sa poster ng 2019 documentary film na The Kingmaker ang ginamit sa LED billboard.

Ang The Kingmaker ay tumatalakay sa political career ni Imelda at ang efforts ng kanilang pamilya upang baguhin ang kanilang imahe at makabalik sa kapangyarihan.

Nagreklamo ang direktor ng The Kingmaker na si Lauren Greenfield nang makita niyang ginamit nang walang pahintulot sa LED billboard ang larawan na kanyang pag-aari.

“Clearly, whoever stole my image to wish Imelda Happy Birthday doesn’t understand copyright infringement,” reaksiyon ni Greenfield sa kanyang Twitter post.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan niya ito ng panawagan na: "If anyone knows who owns the billboard and the building involved, please dm [direct message] me and @mattshonfeld @instituteartist."

Para sa kaalaman ni Greenfield, ang businessman na si Delfin Lee ng Globe Asiatique Reality Holdings Corporation ang may-ari ng GA Towers, ang gusaling kinalalagyan ng giant LED billboard ng birthday greeting para kay Imelda.

Samantala, ang advertising company na OOH.ph, na may email address na outlookph@gmail.com, ang may kinalaman sa billboard na inirereklamo niya.

Si Lee ang negosyante na nasangkot noon sa kasong syndicated estafa dahil sa bintang na dinaya niya ng P6.6 billion ang pamahalaan sa housing loan proceeds para sa kanyang mga housing project sa Mabalacat at Bacolor, Pampanga.

May mga netizen ding sumagot sa mensahe ni Greenfield kaya napag-alaman ng filmmaker kung sino ang may kinalaman ng paggamit ng litrato niya nang walang pahintulot sa birthday greeting para sa dating First Lady.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya tanong niya: "Perhaps Mr. Alvin Carranza and Digital Out-of-Home PH can explain why they are involved in the copyright infringement of my work?"

Naka-tag dito ang tatlong local news sites.

Hindi lamang ang akusasyon ni Greenfield na ninakaw ang litrato niya ang pinag-uusapan din dahil isyu rin ang maling pagbati sa dating Unang Ginang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Imbes na 93rd birthday, "93th birthday" ang nakasulat sa greeting para sa kanya na nakatambad sa EDSA.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agaw-pansin sa mga motorista sa EDSA ang giant LED billboard (kanan) ni dating Unang Ginang Imelda Marcos para sa ika-93 kaarawan nito ngayong araw, July 2, 2022. May napansin ka bang mali sa nakasulat sa billboard?
PHOTO/S: Lauren Greenfield / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results