PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

President Marcos Jr. reserves seat for late friend Bong Daza

Isabelle Daza at Gloria Diaz, imbitado sa inauguration ni President Marcos Jr.
by Jojo Gabinete
Published Jun 30, 2022
bong daza ferdinand marcos jr isabelle daza
Kahit matagal nang pumanaw ang restaurateur na si Bong Daza, hindi pa rin siya nakalimutang ipagreserba ng upuan ng matalik na kaibigang si Ferdinand Marcos Jr. sa inauguration nito bilang Pangulo ng Pilipinas ngayong June 30, 2022. Si Marcos Jr. din ang naghatid sa anak ni Bong na si Isabelle Daza sa kasal ng actress-TV host noong 2016.
PHOTO/S: Instagram

Inireserba ni President Ferdinand Marcos Jr.. ang Seat No. 17 para sa kanyang pumanaw na matalik na kaibigan na si Gabriel "Bong" Daza III sa inagurasyon niya bilang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas nitong Huwebes ng tanghali, June 30, 2022.sa National Museum, Manila.

Ibinahagi ng anak ni Bong, ang aktres at television host na si Isabelle Daza, sa Instagram page nito ang larawan ng kanyang sumakabilang-buhay na ama na nakalagay sa Seat No. 17 sa idinaos na inaugural ceremonies sa National Museum.

bong daza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Isabelle ang anak ni Bong at ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz.

Kapwa imbitado ang mag-ina sa panunumpa ni Marcos Jr. bilang halal na presidente ng bansa.

Si Bong ang pinakamatalik na kaibigan ni Marcos Jr. Binawian siya ng buhay noong July 14, 2016 dahil sa sakit sa puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang eulogy noon para kay Bong, sinabi ni Marcos Jr. na isang mabuti, tunay, at maaasahang kaibigan ang ama ni Isabelle.

Bahagi ng pahayag niya, “Lahat ng tao, pantay-pantay ang tingin niya, kahit sino. Kahit hari ka, kahit mayaman ka. Kahit mahirap ka, pantay-pantay. Para kang best friend ang lapit sa 'yo.

"And that’s the one thing I learned from Bong. Yun ang talaga siguro ang malaking utang na loob kay Bong.

"Marami akong natutunan sa kanyang pagkatao because, again, it was hard for me because as I’ve said, I was exposed to people in this very strange context of the palace.

“And I finally suddenly discovered, no, this is the way to live. You treat everybody equally. Mabait ka sa lahat. If you can do a kindness, kung meron kang tutulungan, gawin mo.

"Kung merong walang matulugan, patulugin mo sa bahay. Kung walang makain, pakainin mo.

"Lahat ng tao, ganoon ang trato sa kanya, and I hope, I pray that I picked it up from him because that was the greatest quality that he had. He was so open and he was so sincere…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi nakalimutan ni Marcos Jr. ang pumanaw na kaibigan nang mahalal siya na pangulo ng bansa.

Si Marcos Jr. ang tumayong pangalawang ama ni Isabelle kaya siya ang naghatid sa aktres sa altar nang ikasal ang actress-TV host sa French national na si Adrien Semblat sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy, noong September 10, 2016.

Bahagi ng mensahe noon ni Marcos Jr. para sa bagong kasal: “What a happy day! All of us who love you have our hearts full of joy for you and Adrien on this happiest of days.

“I feel the warmth of your father Bong’s smile on us as we wish you all the love, happiness and success as you embark on your new life together as husband and wife.

"Congratulations Mr. & Mrs. Daza-Semblat."

ALSO READ
, "widget": "Hot Stories"}]

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit matagal nang pumanaw ang restaurateur na si Bong Daza, hindi pa rin siya nakalimutang ipagreserba ng upuan ng matalik na kaibigang si Ferdinand Marcos Jr. sa inauguration nito bilang Pangulo ng Pilipinas ngayong June 30, 2022. Si Marcos Jr. din ang naghatid sa anak ni Bong na si Isabelle Daza sa kasal ng actress-TV host noong 2016.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results