Ang Virgin Forest girls na sina Rob Guinto, Angeli Khang, Micaella Raz, at Kat Dovey ang mga guest ngayong Huwebes ng gabi, June 23, 2022, sa PEP Live!, at ang mga isyu tungkol sa kanila ang sinagot nila.
Hindi inililihim ni Rob Guinto na malaki ang gusto niya kay Congressman-elect Sandro Marcos, ang anak ni Ferdinand Marcos, Jr., ang bagong halal na pangulo ng Pilipinas.
- Lani Mercado accidentally reveals Sandro Marcos's secret relationship; is it Alexa Miro?
- Lani Mercado, nagsalita na sa Sandro Marcos-Alexa Miro issue
Ilang araw nang laman ng entertainment news site ang pangalan ni Sandro dahil sa balita na may relasyon na sila ng sexy actress na si Alexa Miro na hindi matanggap ni Rob.
"No! Hindi puwede. Ayoko!" ang pabebeng sagot ni Rob nang tanungin siya tungkol sa rumored relationship nina Sandro at Alexa.
"Okay lang naman, [pero] sa akin pa rin siya," hirit pa ni Rob.
Single o walang boyfriend si Rob sa kasalukuyan.
At kung sakaling magtagpo sila ni Sandro nang hindi sinasadya, sasabihin daw ni Rob, "Sandro, available ako. Gusto mo naman ako ayain i-date."
ANGELI GUMABAO ON PAOLO GUMABAO
Hindi itinanggi ni Angeli ang panliligaw sa kanya ni Paolo Gumabao, ang leading man niya sa Vivamax movie na Silip sa Apo.
"Kami ni Pao, we’re good friends, really good friends. And also, shoutout Paolo. Congrats on your next teleserye, Darna.
"Abangan niyo po siya dun, guys. I’m happy na lahat ng mga naka-work ko, naging good friends kami," ani Angeli.
Sabay diin ni Angeli, "As of now, focused ako sa career ko. And I want to say na may nakamit ako sa buhay ko, natutulungan ko yung family ko, and nakaipon ako nang sapat bago muna ako mag-love life.
"Self-love muna."

MICAELLA ON ADVICE FROM PAOLO BEDIONES and lara morena
Pinasalamatan naman ni Micaella si Paolo Bediones dahil sa mga payo nito sa kanya tungkol sa pagpasok niya sa showbiz.
Sa mga hindi nakakaalam, pamangkin si Micaella ni Lara Morena, ang fiancée ni Paolo. Magkapit-bahay sila sa iisang condo building.
"Maraming advice si Tito Pao, pati si Tita Lara. Sa sobrang dami po, lahat naman na-a-apply ko nang paunti-unti hanggang matutunan ko.
"Grabe kasi yung pag-guide nila sa akin kaya thankful at grateful ako sa kanila.Hindi lang ako, pati si Ate Kat," ani Micaella.
Si Kat Dovey ang Ate Kat na tinutukoy ni Micaella. Kaibigan si Kat ng anak ni Lara at ang ‘90’s sexy star ang nagkumbinsi sa kanya na mag-artista.
"Childhood bestfriend ko po yung daughter niya, si Millen. And when I got back to the Philippines, she invited me out for dinner tapos nandoon po si Tita Lara and yung kapatid ni Micaella na si Steph [Stephanie Raz].
"That same dinner, Tita Lara asked me if I wanted to join Viva. And of course, it’s Tita Lara so it was an easy yes for me.
"And same industry na kami ng best friend ko, so no complaint," ang kuwento ni Kat tungkol sa walang kahirap-hirap na pagpasok niya sa showbiz.

Ang Virgin Forest na mapapanood sa Vivamax simula ngayong Biyernes nang hatinggabi, June 24, ang pelikula na ipino-promote nina Rob, Angeli, Micaella at Kat na mapapalad ang pakiramdam dahil nakatrabaho nila ang 2009 Cannes best director na si Brillante Mendoza.