Si Wilbert Ross at ang newcomer sexy star na si Angela Morena ang dalawa sa mga cast member ng High On Sex na nakinabang sa online schooling dahil napagsabay nila ang pag-aaral at pag-aartista sa panahon ng coronavirus pandemic.
Graduating Finance student si Wilbert sa Golden State College of General Santos City. Third year business marketing student naman si Angel sa Saint Nicolas College sa San Fernando, Pampanga.
Malaking tulong ang online schooling kay Wilbert dahil nagawa nitong ipagpatuloy ang pag-aaral kahit nasa Mindanao ang school na pinapasukan niya.
Pero noong una, nabigla ang mga kakilala ng singer-actor dahil sa kanyang paghuhubad sa mga pelikula.
“At first, medyo nabigla sila kasi hindi nila ine-expect sa akin na makakaya kong gawin yung mga bagay na yun.
"And then, habang tumatagal na ginagawa ko yung art na mahal ko, mismong sila ang natutuwa para sa akin.
"Napapansin nila na other than the sexy parts, ‘Uy, ang galing mo sa project na yun.’ So, yun ang mas importante sa akin.
"Itong pagpapaseksi, para sa role lang naman namin. Kumbaga, ginagawa lang namin yung trabaho namin.
"As long as ginagawa namin yung trabaho namin nang maayos at maganda,” lahad ni Wilbert tungkol sa kanyang pagiging sexy actor na walang confict sa pag-aaral niya.
Ikinabigla rin ng mga kaklase ni Angela ang paghuhubad nito sa mga pelikula ng Vivamax dahil kilala raw siyang konserbatibo sa school na pinapasukan niya.
Ayaw magpaapekto ni Angela sa mga naririnig na negative comment dahil mas nangingibabaw ang kanyang pangarap maging artista tulad ng tiya niyang si Lara Morena.
Read: Tatlong pamangkin ni Lara Morena, sinundan ang kanyang yapak sa pagpapa-sexy sa pelikula
Saad niya, “Nagulat sila, but before entering this industry, itong sexy genre, I was ready.
"Ready ako sa negative comments, any opinions, positive or negative.
“I'm sure, maraming judgments. Marami akong naririnig, hindi directly sa akin, lalo na sa school ko. Very conservative yung school ko.”
Dagdag niya, “Yung classmates ko, nagulat sila na nagpapaseksi ako kasi kilala nila ako na very conservative na tao. Tapos, nakikita nila sa screen na ganito ako.
"Pero hindi natin kontrolado ang utak ng mga tao and, of course, yung mindset ko, they don’t put food on my table so I don’t care to those bashers, if ever meron man.”
Ang High On Sex ang original Vivamax series na pinagbibidahan nina Wilbert at Angela.
Mga college student na ang dalawa sa tunay na buhay pero mga high school student ang karakter na kanilang ginagampanan sa coming-of-age series na nagsimula ang streaming sa Vivamax ngayong Linggo, June 5.
end