Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang pahayag ng model na si Nikko Alano Chua tungkol sa paghihiwalay nila ng comedian na si Chad Kinis.
Read: Chad Kinis, ipinagpalit ng boyfriend sa "lalaking maganda rin ang katawan"?
Hindi pa kami nakakatanggap ng sagot dahil nagbabakasyon siya sa Amanpulo ang huling post niya sa kanyang social media pages.
Mula nang aminin ni Chad na nagwakas na ang relasyon nila ni Nikko, ito ang nakatatanggap ng mga batikos at mabigat na paratang na "ginamit" lamang niya ang komedyante sa kanilang siyam na buwan na pagsasama.
Pero hindi pinalampas ni Nikko ang masasakit na bintang laban sa kanya dahil sinagot niya ang maaanghang na komento ng mga nakikisimpatiya kay Chad.
Komento ng isang netizen: “Nung una pa lang, malakas na ang kutob ko. Hindi maganda ang intensyon nito kay chad. Hayst. Very wrong.”
Patanong na sagot ni Nikko: “Ano po ba ang intensyon ko kay chad? Nalaman nyo po ba? Alam nyo po ba ang mga nangyari sa amin?”

Sinagot din ni Nikko ang netizen na nagsabing: “Grabe pa si Chad mag-support sa kanya. Kahit tinda nila, gi-promote pa niya eh.”
Depensa ni Nikko sa sarili: “Mawalang-galang lang po. Since 2013 pa ang business namin at kilala po ang business namin, 9-years na. Wala pa po si Chad. Paki-check ang album ko sa Facebook para makita n’yo.”

Tila nagpatutsada naman ang isang netizen sa pagbabakasyon ni Nikko sa Amanpulo: “Oh no what a shame! No wonder he’s enjoying life. Well what goes around comes around.”
Buwelta ni Nikko: “What’s wrong with enjoying life? There’s no problem with it. Not all know me nor my family — I also have my own story. There’s always a reason in every circumstances just so you know.”

Si Nikko ang nagmistulang kontrabida sa nagwakas na same-sex relationship nila ni Chad dahil sa mga pahayag ng komedyantye na niloko siya, kahit hindi niya binanggit ang pangalan ng tao na kanyang tinutukoy.
Nakadagdag sa kontrobersiya ang sinabi ni Chad sa vlog niya noong nakaraang buwan: "Kaya nga pala ako nagpapaganda ng katawan para hindi tayo ipinagpapalit sa mga lalaking magaganda rin ang katawan."
Isa itong pahiwatig na hindi naging tapat sa relasyon nila ang taong kanyang pinariringgan.