PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal advised by Mark Herras to have a baby

Kris Bernal, nagbigay-pugay sa lahat sa mga kasamahan niya sa Artikulo 247.
by Jojo Gabinete
Published Jun 3, 2022
kris bernal kontrabida
Kris Bernal on saying goodbye to the afternoon drama series Artikulo 247: “Na-miss ko na yung maraming tao. Maraming kausap. Different people, different stories, different personalities.”
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram

Nagmarka sa mga manonood ang bida-kontrabida role ni Kris Bernal at ang kanyang mahusay na pagganap sa Artikulo 247, ang afternoon drama series ng GMA-7 na magpapaalam na ngayong Biyernes ng hapon, June 3.

Read: Kris Bernal, hindi magpapakabog sa ibang mga kontrabida ng Kapuso afternoon prime

Hindi na exclusive contract star ng GMA-7 si Kris ng GMA-7, pero ang dekalibreng pag-arte na ipinakita niya sa Artikulo 247 ang isang posibilidad para mabigyan uli siya ng bagong proyekto sa TV network na unang nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang aktres.

Alam ni Kris na malaki ang naitulong ng kanyang mga kasamahan sa lahat ng mga TV assignment niya, lalo na ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng kamera kaya nagbigay-pugay siya sa pamamagitan ng isang vlog.

Isa-isang ipinakilala ni Kris ang kanyang acting coach, make-up artist, stylist, ang mga miyembro ng art department, ang buong cast at crew ng Artikulo 247 bilang pasasalamat sa ilang buwang pagsasama nila sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan naman siya ng co-star si Mark Herras na bumuo na ng pamilya dahil iba ang pakiramdam ng isang magulang.

Sabi ni Mark kay Kris, “Alam mo, dapat maging nanay ka na para hindi ka na maging magastos.

“Puro ka bag… it’s about time na magkaroon ka naman ng family na sarili mo.

“Feeling ko, talagang iikot ang mundo mo dun sa anak mo kasi ganun yung nangyari sa akin.Talagang lahat ng ginagawa ko is for Corky and Ico [Nicole Dionesa, asawa ni Mark].”

Ayon naman kay Kris, napansin niyang nabawasan na ang pagiging "bad boy" ng aktor mula nang magkaroon ito ng anak.

Hindi naiwasan ni Kris na magkaroon ng separation anxiety nang matapos ang taping niya para sa Artikulo 247 dahil sa magandang samahan nila ng kanyang mga katrabaho.

“Na-miss ko na yung maraming tao. Maraming kausap. Different people, different stories, different personalities,” sabi ni Kris tungkol sa mga karanasan niya sa set ng Artikulo 247.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on saying goodbye to the afternoon drama series Artikulo 247: “Na-miss ko na yung maraming tao. Maraming kausap. Different people, different stories, different personalities.”
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results