PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Villar, Willie Revillame begin talks about opening of AMBS

Luzon transmitter ng ABS-CBN, nabili na ni Manny Villar.
by Jojo Gabinete
Published Jun 1, 2022
manny villar willie revillame ambs
Sinimulan na nina Manny Villar at Willie Revillame ang pag-uusap tungkol sa pagbubukas ng AMBS, ang TV network na pag-aari ni Villar, bago matapos ang 2022. Nagtungo si Villar sa Tagaytay residence ni Willie upang planuhin ang mga programang ilalagay at mga artistang kukunin sa bubuksang TV network.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Parang eksena sa isang big-budgeted movie ang pagkikita ni former Senator Manny Villar at ng popular TV host na si Willie Revillame kahapon, May 31, 2022.

Pinag-usapan nila ang mga plano para sa nalalapit na pagbubukas ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ang television network na pag-aari ng pamilya Villar.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Kasama ni Villar ang anak niyang si Las Piñas House Representative Camille Villar nang bumaba sila mula sa kanyang Bell 429 helicopter na lumapag sa helipad ng Tagaytay City residence ni Willie.

manny villar willie revillame helipad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naunang dumating ang TV host na sakay naman ng Bell 430 chopper niya bago sila tumuloy sa Crossing Café sa Daanghari Road, Cavite, para sa kanilang pag-uusap, kasali si AMBS President Beth Tolentino.

manny villar camille villar willie revillame

Manny Villar and daughter Camille with Willie Revillame

Sigurado na ang pagbubukas ng AMBS bago matapos ang 2022, pero may posibilidad na baguhin at gawing ABS (All Broadcasting System) ang pangalan ng TV network na mapapanood sa Channel 2, ang dating frequency na gamit ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal

Malaki ang magiging partisipasyon ni Willie sa pamamahala sa bubuksang network kaya ipinagkatiwala sa kanya ni Villar ang pag-iisip ng mga concept para sa programming ng AMBS o ABS.

Kabilang si Willie sa mga magdedesisyon sa mga programang ilalagay at sa mga artistang kukunin ng network.

Bago naging panghapong programa sa TV5 (Wowowillie) at GMA-7 (Wowowin) ang mga defunct top-rating game show ni Willie, pangtanghali ang sinusubaybayang TV show niya noon sa ABS-CBN, ang Wowowee, na napanood mula February 5, 2005 hanggang July 30, 2010.

Read: Wowowee co-hosts bid a tearful farewell sans Willie Revillame

May mga haka-hakang malaki ang tsansang bumalik at magkaroon si Willie ng noontime show sa dating timeslot ng Wowowee sa ABS-CBN kapag nagbukas na ang bagong home network niya.

Hindi lamang ang pag-aayos sa programming ng AMBS or ABS ang topic ng meeting nina Villar at Willie.

Ang pinakamalaking balita, nabili na ng billionaire businessman—si Villar ang richest man sa Pilipinas sa World’s Billionaire’s List for 2022 ng Forbes—ang transmitter ng ABS-CBN sa Luzon at pinag-uusapan na ang pagbili ng kanyang kompanya sa mga transmitter ng Kapamilya Network sa Visayas at Mindanao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinimulan na nina Manny Villar at Willie Revillame ang pag-uusap tungkol sa pagbubukas ng AMBS, ang TV network na pag-aari ni Villar, bago matapos ang 2022. Nagtungo si Villar sa Tagaytay residence ni Willie upang planuhin ang mga programang ilalagay at mga artistang kukunin sa bubuksang TV network.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results