PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Broadcaster Erwin Tulfo appointed DSWD secretary

Bagay ba si Erwin Tulfo sa DSWD?
by Jojo Gabinete
Published May 30, 2022
bbm apoints erwin tulfo
PTV4 news anchor Erwin Tulfo is appointed by President-elect Ferdinand Marcos Jr. as incoming secretary of Department of Social Welfare and Development.
PHOTO/S: Facebook

Malaking hamon para sa broadcast journalist na si Erwin Tulfo ang pagtatalaga sa kanya ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay dahil sa reaksiyon ng publiko na hindi siya nababagay at may higit na karapat-dapat para sa nasabing puwesto.

Nang inanunsiyo ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na si Erwin ang pinili ni Marcos Jr. para maging DSWD secretary ngayong Lunes ng hapon, May 30, 2022, mabilis ang pasasalamat ng broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Pinasalamatan ni Erwin si Marcos Jr. sa tiwalang ibinigay sa kanya at nangakong magsisikap siyang matulungan ang ating mga kababayang nangangailangan.

“Una sa lahat, salamat sa Diyos. Maraming salamat kay President-elect Bongbong Marcos sa tiwala.

“Alam ko na maraming trabaho ang naghihintay sa DSWD. Ang tanging maipapangako ko lamang ay sisikapin ko na matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mahirap at nangangailangan,” pasasalamat at pangako ni Erwin, na sinuportahan ang presidential bid ni Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang career ni Erwin noong 1987 bilang news anchor ng PTV4.

Nagmarka sa publiko ang tapang niya nang maging host siya ng mga public service program ng ABS-CBN, ang Hoy Gising, Magandang Gabi Bayan, at Mission X.

Mula sa ABS-CBN, lumipat si Erwin sa RPN-9 noong 2005, sa IBC-13 (2007-2009), TV5 (2010-2014), at muling bumalik sa government-owned station na PTV noong 2014 hanggang sa kasalukuyan.

"Feisty broadcaster" ang reputasyon ni Erwin tulad ng kanyang mga kapatid, ang senator-elect na si Raffy at hard-hitting journalists na sina Ramon at Ben Tulfo.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PTV4 news anchor Erwin Tulfo is appointed by President-elect Ferdinand Marcos Jr. as incoming secretary of Department of Social Welfare and Development.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results