PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Touching moments at Susan Roces funeral

Senator Grace Poe, sinulatan ng "JSP We Love You" ang nitso ng ina.
by Jojo Gabinete
Published May 26, 2022
susan roces funeral
Ilang mga tagpo sa libing ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ngayong Huwebes, May 26, 2022.
PHOTO/S: Grace Poe Facebook

“JSP We love you” ang mensaheng isinulat ni Senator Grace Poe sa sariwang semento sa nitso na pinaglagakan sa mga labi ng kanyang ina, ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

JSP (Jesusa Sonora Poe) ang initials ng pangalan ng film icon na pumanaw noong May 20, 2022 ng 8:46 p.m.

susan roces funeral

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces

Ang mensaheng iniwan ni Senator Grace ang isa sa madamdaming tagpo nang ihatid sa huling hantungan ang 80-year-old actress sa Manila North Cemetery nitong Huwebes ng tanghali, May 26.

Ipinasok sa nitso ang kabaong ni Susan bago mag-alas dose ng tanghali, tulad ng kanyang asawang si Fernando Poe Jr. na inilibing katabi ng nitso ng beteranang aktres noong December 22, 2004.

Ang veteran actress na si Boots Anson Roa-Rodrigo at ang hipag nitong si Pempe Padilla, na best friend ni Boots, ang ilan sa mga nakipaglibing sa sumakabilang-buhay na aktres.

Lumuha at nagdalamhati nang husto ang mga tagahanga ni Susan na nagsadya sa Manila North Cemetery para magbigay-pugay sa huling pagkakataon.

Nang ilabas ang kabaong ni Susan mula sa Heritage Park sa Taguig City, isang matandang babae na umiiyak at umiidolo sa kanya ang nakuntento na lamang na haplusin ang sasakyan na magdadala sa aktres sa Manila North Cemetery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa lamang ito sa maraming eksena ng pagdadalamhati dahil sa pagkawala ng Queen of Philippine Movies.

susan roces funeral

susan roces funeral

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang umalis mula sa Manila North Cemetery ang mga miyembro ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Susan, patuloy na sinasadya ng ating mga kababayan ang kanyang puntod.

Inaasahang araw-araw nang mangyayari ito gaya nang ilibing si FPJ noong 2004.

Ito ang pagkakataon na kahit nasa kabilang buhay na ang mga itinuturing na Hari at Reyna ng Pelikulang Pilipino, nalalapitan pa rin ng kanilang mga matatapat na tagahanga ang mga katawang lupa nila na “larger than life” noong nabubuhay pa sila.

Related Stories

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang mga tagpo sa libing ng Queen of Philippine Movies na si Susan Roces ngayong Huwebes, May 26, 2022.
PHOTO/S: Grace Poe Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results