PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jinggoy Estrada, JV Ejercito end rift at Magic 12 proclamation

Jinggoy, nilapitan si JV sa proclamation ng winning senators.
by Jojo Gabinete
Published May 18, 2022
jinggoy estrada jv ejercito proclamation
Naghiayawan at nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng PICC nang itaas ng kamay ni Jinggoy Estrada (kaliwa) ang kamay ng kapatid na si JV Ejercito (kanan) sa proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong Miyerkules, May 18.
PHOTO/S: YouTube

"The Good One" ang campaign slogan ng senator-elect na si JV Ejercito para sa eleksyon noong May 9, 2022.

Pero ipinamalas ng kanyang kapatid sa ama na si Jinggoy Estrada na “the good one” din ito nang kapwa sila iproklama ng Commission On Elections bilang mga bagong halal na senador ng bansa nitong Miyerkules ng hapon, May 18.

Parehong nanalo ang dalawa sa kanilang mga senatorial bid; si JV ay pangsampu at si Jinggoy ay pang-labindalawa.

Read: Relasyon ng magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada "kasinlamig pa rin ng North Pole"

Pagkatapos ng group photo ng mga nagwaging senador, si Jinggoy ang unang lumapit kay JV para kamayan ito.

Napuno ng hiyawan ng mga tao ang loob ng PICC na pinagdausan ng proklamasyon dahil makalipas ang ilang segundo, itinaas ni Jinggoy ang kamay ni JV na hudyat ng pagkakasundo ng magkapatid na matagal nagkaroon ng iringan at mga hindi pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

jinggoy estrada jv ejercito proclamation

Sa miting de avance ng UniTeam noong May 7, pinasalamatan ni Jinggoy ang kanyang pamilya, mga magulang, at mga kapatid.

Hindi man niya binanggit ang pangalan ni JV, malinaw na ito ang tinutukoy ni Jinggoy nang magsalita ito ng: “At dun din po sa isang kapatid ko na kahit ayaw sa akin, kapatid ko pa rin ‘yan. Mahal ko pa rin ‘yan. Kadugo ko pa rin ‘yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Robin Padilla, Herbert Bautista, Jinggoy Estrada, may kanya-kanyaNg momen sa UniTeam miting de avance

Hindi rin binanggit ni JV ang pangalan ni Jinggoy sa isang panayam sa kanya na lumabas kahapon, pero hindi maipagkakailang ang nakatatandang kapatid ang pinatutungkulan niya.

Pahayag niya, “Tingnan na lang natin mangyayari kung ano man yung personal na relasyon o hidwaan sana hindi makaapekto sa aming trabaho.

"Wala na lang pakialaman kasi, I have to be honest with you, lumalim na rin itong hidwaan, it will take time to heal.

“Ayaw naman nating may kaaway, kaya lang minsan, may mga bagay na mahirap pagkasunduan. Hindi lang talaga magtugma.

"As long as hindi makaapekto sa aming trabaho, okay lang siguro."

Pero tila nagwakas na ang hidwaan nila dahil sa paglapit ni Jinggoy at pagbati sa nakababatang kapatid sa naganap na proklamasyon. Tiyak na ikinatuwa ito ng kanilang ama na si former Philippine President Joseph Estrada.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang asawang si Precy at ang kanilang mga anak na sina Janella, Jolo, Julian, at Jill ang mga kasama ni Jinggoy nang iproklama ito bilang senador.

Ang kanya namang ina na si Guia Gomez at mga anak na sina Jose Emilio at Julio Jose ang isinama ni JV.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naghiayawan at nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng PICC nang itaas ng kamay ni Jinggoy Estrada (kaliwa) ang kamay ng kapatid na si JV Ejercito (kanan) sa proklamasyon ng mga nanalong senador ngayong Miyerkules, May 18.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results