PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ayanna Misola on her first big-screen movie Putahe

Ayanna Misola: "Nakita ko po ang bawat detail ng pinagpaguran namin."
by Jojo Gabinete
Published May 13, 2022
Ayanna Misola
Ayanna Misola super proud na ipinalabas sa sinehan ang Putahe: "Sobrang nakakatuwa po kasi parang ang perfect ng pagkakagawa ni Direk Roman sa Putahe dahil island vibe talaga at very artistic. Nakaka-proud po dahil pinapangarap ko lang ito dati at ngayon, na-experience ko na."

Sa kauna-unahang pagkakataon, napanood ni Ayanna Misola sa big screen ang kanyang sarili dahil sa idinaos na press preview ng Putahe noong Miyerkules, May 11, 2022, sa Gateway Cineplex sa Cubao, Quezon City.

READ: Ayanna Misola, tanggap ng pamilya ang paghuhubad niya sa pelikula

Tuwang-tuwa si Ayanna dahil may napatunayan siya sa mga taong nagsasabi na hindi siya pangsinehan o big screen.

"First time ko po napanood yung sarili ko sa big screen at ang masasabi ko, mali po ang mga nagko-comment sa social media na hindi raw ako pang-big screen.

"Nang pumasok po ako sa sinehan, kinakabahan ako dahil marami akong kasabay na manonood. Pero nang mag-start na yung movie, nag-enjoy na ako.

"Mas na-appreciate ko po lalo yung memories namin sa island [Mindoro] na pinag-shooting-an namin.

"Nakita ko po ang bawat detail ng pinagpaguran namin," kuwento ni Ayanna.

Hindi siya makapaniwalang darating ang araw na mapapanood niya ang sarili sa isang sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadagdag din sa kaligayahan ni Ayanna na maganda ang pagkakagawa ng direktor na si Roman Perez Jr. sa Putahe kaya sulit na sulit ang lahat ng kanilang mga hirap at pagod.

"Yung movie po, super ganda. I think ito na po ang the best movie na nagawa ko since nag-start ako sa Vivamax.

"Sobrang nakakatuwa po kasi parang ang perfect ng pagkakagawa ni Direk Roman sa Putahe dahil island vibe talaga at very artistic.

"Nakaka-proud po dahil pinapangarap ko lang ito dati, at ngayon, na-experience ko na.

"Sobrang nakaka-proud din po na napabilang ako sa cast dahil napakaganda ng Putahe.

"Hindi ko po in-expect na ganoon kaganda ang kalalabasan ng pelikula namin," ani Ayanna.

Si Ayanna ang pinakabata sa mga sexy female contract star ng Viva kaya hindi maiwasang lumitaw ang pagiging bata niya habang nagkukuwento tungkol sa kanyang bagong proyekto.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayanna Misola super proud na ipinalabas sa sinehan ang Putahe: "Sobrang nakakatuwa po kasi parang ang perfect ng pagkakagawa ni Direk Roman sa Putahe dahil island vibe talaga at very artistic. Nakaka-proud po dahil pinapangarap ko lang ito dati at ngayon, na-experience ko na."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results