Ginulat ng veteran singer na si Gary Valenciano ang publiko dahil sa edad na 57, ngayon lamang niya naranasang lumahok sa isang pambansang halalan sa Pilipinas, at sa kanya mismo nagmula ang personal na impormasyong ito.
"It was my FIRST TIME TO VOTE and I must say it felt patriotic. How I wish people would truly grasp the depth of importance a vote means.
"What a sense of patriotism it was for me to vote for the first time!!! I love the Philippines!!!
"I know I made the right decision. I hope you did too. God bless us all," saad ni Gary sa kanyang Instagram post ngayong May 9, 2022.
Nag-umpisa ang professional singing career ni Gary noong 1982.
Tila marami ang nagulat na sa apat na dekadang pagtangkilik sa kanya ng Filipino fans, ngayon lamang niya naranasang bumoto at natikman ang pakiramdam ng isang tunay na makabayan at ang kahalagahan ng pagboto.
Ang rebelasyon ni Gary ang nag-udyok sa isang netizen na maghinalang kung hindi pa raw kumandidatong bise presidente ng bansa ang kanyang bayaw na si Kiko Pangilinan, baka hindi pa rin siya nagparehistro para makaboto.
Pero may paliwanag ang misis ni Gary na si Angeli Pangilinan-Valenciano.
Sagot ni Angeli sa tweet ng netizen na bumatikos kay Gary: "His mother was a Puerto Rican and was the one who registered him with US Embassy and he was considered an American citizen but was considered a Filipino by another law.
"So conflicting ‘yung laws.
"Finally, when the dual citizenship law was passed, he was able to register."

Bukod sa paliwanag sa citizenship ni Gary, may panawagan si Angeli tungkol sa anomalya na diumano’y naganap ngayon sa halalan.
Aniya: "Maraming anomalies and palpaks sa elections di ba so let’s use the hashtag #MgaKapalpakanNgRPElection, #WeNeedToInvestigate at #MyVoteIsForLeniKiko.
"Kailangan natin magpa-trending that we voted for Leni -Kiko para pag nanalo sila, hindi ma-surprise kase trending sa Facebook.
"Kapag natalo, magda-doubt sila sa credibility ng election dahil alam nilang maraming bumoto sa Leni-Kiko tanden with hashtag #MyVoteIsForLeniKiko."
