Nagsimulang kumalat sa social media noong Lunes, April 25, 2022, ang screenshot ng Instagram story na nagpapakita sa larawan ng kalahating mukha ng isang babaeng malaki ang pagkakahawig kay Sarah Geronimo.
Kulay pink ang suot nitong T-shirt at may caption na “Papunta palang tayo sa exciting part.”
Tila pahiwatig ito tungkol sa kandidatong susuportahan ng singer-actress.

Makikita sa screenshot copy ng Instagram story ang logo ng Viva Artists Agency kaya marami ang naniwala at natuwa sa posibilidad na “Kakampink” o sinusuportahan ni Sarah ang presidential bid ni Vice President Leni Robredo.
Ngayong gabi ng Martes, April 26, naglabas ng opisyal na pahayag ang Viva Artists Agency para mabigyan ng linaw ang isyu at maituwid ang maling akala ng publiko.
Nakasaad dito: “A screenshot of an Instagram story is circulating online supposedly from the account of Viva Artists Agency ('VIVA').
“The post was altered and was never published on any official VIVA social media account.”
