PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jovit Baldivino, eliminated na sa Masked Singer Pilipinas

Labuyo, nawalan ng anghang sa judge detectives.
by Jojo Gabinete
Published Apr 24, 2022
jovit baldivino masked singer pilipinas
Ang Pilipinas Got Talent Season 1 winner na si Jovit Baldivino ang nagpaalam sa episode ng Masked Singer Pilipinas ngayong Sabado ng gabi, April 23, 2022.
PHOTO/S: Viva Television / TV5

Ang Pilipinas Got Talent Season 1 winner na si Jovit Baldivino ang nagpaalam ngayong Sabado ng gabi, April 23, 2022, sa Season 2 ng Masked Singer Pilipinas, ang reality singing competition ng TV5 at ng Viva Television.

Nagkaisa ang Masked Singer Pilipinas judge detectives na sina Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Matteo Guidicelli, Kim Molina, at Cristine Reyes sa kanilang mga hula na si Jovit ang nasa likod ng maskara ni Labuyo dahil sa mga clue na ibinigay nito at sa kanyang pamilyar na estilo ng pagkanta.

“Isa ito sa mga naranasan ko sa industriya, ito talaga ang napaka-excited [ako] kasi bilang magsuot ng mascot, nakapahirap magpanggap.

"Mahirap mag-iba at ang hirap din ng… ang bigat [ ng costume]. Ramdam ko, ang anghang-anghang ko,” pawisang pahayag ni Jovit nang tanungin ito tungkol sa kanyang mga karanasan bilang contestant ng Masked Singer Pilipinas.

Ang mga celebrity singer na gumamit ng mga pangalan at maskara nina Crispy Patty, Jeepie, at Tarsier ang mga nakatunggali ni Jovit sa ika-apat na Sabado sa telebisyon ng Masked Singer Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Frenchie Dy, Arthur Nery, at Jehramae Trangia, grand winner ng Season 2 ng Born To Be A Star noong 2021 ang mga hula ng judge detectives na nasa likod ng mga maskara nina Crispy Patty, Jeepie, at Tarsier, respectively.

Malalaman sa mga susunod na kabanata ng Masked Singer Pilipinas Season 2 kung hindi nagkamali ang judge detectives sa kanilang mga hinala.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Pilipinas Got Talent Season 1 winner na si Jovit Baldivino ang nagpaalam sa episode ng Masked Singer Pilipinas ngayong Sabado ng gabi, April 23, 2022.
PHOTO/S: Viva Television / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results