Matagal na hindi nagkaroon ng boyfriend si Donita Rose at ngayon na lamang siya muling umibig kaya hindi nakapagtatakang mahal na mahal at ipinagmamalaki niya ang kanyang karelasyon, ang singer na si Felson Palad.
Read: Donita Rose introduces new boyfriend on Instagram: “That’s Felson Palad for you peeps.”
Mula nang ipakilala ni Donita si Felson bilang boyfriend niya, sa pamamagitan ng kanyang mga social media post, nakakatikim ng mga batikos ang actress-host mula sa mga taong hindi pabor sa kanilang relasyon.
Partly, may kontribusyon din si Donita sa mga maaanghang na komentong natatanggap nila ni Felson dahil isinapubliko niya ang kanilang pagmamahalan.
Ang mga kababayan natin sa Amerika ang nagpapatunay na in love na in love si Donita kay Felson, na mas bata sa kanya ng sampung taon.
Hindi maipagkakailang overwhelmed si Felson sa atensiyong ibinibigay sa kanya ng mga tao mula nang isiwalat ng aktres sa social media ang kanilang relasyon.
Makikita sa Facebook page ni Felson ang ibinahagi nitong link ng report tungkol sa pagmamahalan nila ni Donita, isang pruwebang natutuwa siya sa mga natatanggap na atensiyon.
Post niya noong April 14: “Nag-iisa lang po akong Felson Palad sa mundo HAHAHA. Literal na may kumakatok sa bahay namin sa Pilipinas to ask my sister Camille. Thank you for being happy for me. Andami kong tanong sa email, messenger, instagram and calls, 'totoo ba?' 'Ikaw ba yung Felson Palad sa News.'
“Natutuwa po ako sa support n’yo po. Love ko po kayo. Hindi ko lang po kaya sagutin yung pare parehong tanong na nakalagay sa news and confirming my own posts kung ako ba si Felson Palad na boyfriend ni Donita Rose.
“Donita makes me smile and laugh all the time. Most importantly we seek the Lord everyday together in prayers and sharing the word with each other in our daily devotions.
“I know you are just happy and excited for me. Hindi ko po intention to put you in the seen zone. I just can’t answer the same query all the time. Eto po picture namin. Sama n’yo po kami sa prayers.”
Nagpasalamat din si Feldon sa naglabas ng report tungkol sa relasyon nila ni Donita.
Aniya, “I would like you to know that I really appreciate your good reporting. Maraming salamat po.”
Gospel recording artist ang pakilala ni Felson sa sarili at isang mahusay na singer, ayon sa isang kababayan natin sa Amerika na nakakakilala sa kanya.
“Si Felson ay kapatid ni Sheena Palad na nag-audition sa Darna. Hindi niya nakuha ang role dahil napunta ito kay Jane de Leon.
"Si Felson, napakaganda ng boses. Sumali siya noon sa WCOPA [World Championship of Performing Arts]. Gusto rin niyang pumasok sa The Voice,” sabi ng source ng Cabinet Files na nakakaalam sa pagkatao ng boyfriend ni Donita.