Nais malaman ng publiko ang reaksiyon ni Gary Valenciano tungkol sa tweet warning ng kanyang asawang si Angeli Pangilinan para sa bashers ng anak nilang si Gab Valenciano.
Malakas ang impact ng babala ni Angeli laban sa trolls at insensitive citizens na binu-bully umano si Gab dahil sa suporta nito sa tandem nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan, ang presidential at vice-presidential aspirants sa eleksyon sa May 9, 2022.
Sari-saring mga opinyon, na parehong negatibo at positibo, ang pinakawalan ng mga nakatutok sa isyu.
“It took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son,” bahagi ng mahigpit na babala ni Angeli.
Pero nagawa pa rin nitong sabihan ng “God bless you” ang detractors ng kanyang anak.
Read: Angeli Pangilinan, binalaan ang trolls at bashers ng anak na si Gab Valenciano
Para sa mga interesadong malaman ang posisyon o paninindigan ni Gary, nakikiisa siya sa kanyang asawa.
Ginamit din niya ang Twitter para sabihin ang saloobin tungkol sa isyu ng cyber bullying.
“I stand with you in this hon,” sagot ni Gary sa tweet warning ni Angeli.
“No matter how much you’ve been bashed... rain or shine you also have inspired countless with your stand.
“Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much.”
Nilagyan niya ito ng hashtag na #LeniKiko.
