PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Smith, Chris Rock, Ana Jalandoni Instagram followers

Apology post ni Will Smith kay Chris Rock, naka-disable ang comments.
by Jojo Gabinete
Published Mar 29, 2022
chris rock-will smith, ana jalandoni-kit thompson
Hindi man magandang pakinggan, pero isang katotohanan na malaki ang naitulong ng mga kontrobersiya at mga violent scandal kaya nadagdagan ang social media followers ng Hollywood stars na sina Chris Rock at Will Smith (kaliwa) at ang sexy star na si Ana Jalandoni (kanan, kasama ang boyfriend na si Kit Thompson).
PHOTO/S: Twitter / Instagram

Ang pananampal ni Will Smith kay Chris Rock sa 94th Academy Awards noong Linggo, March 28, 2022, ang pinakamalaking balita ngayon sa Amerika at sa maraming panig ng mundo.

Ito ang patuloy na pinag-uusapan at headline sa halos lahat ng mga news program sa radyo at telebisyon, talk shows, pahayagan, news at entertainment websites, at social media platforms.

Malaki ang interes ng publiko at malakas ang hatak ng balita dahil mga sikat na artista ang sangkot sa insidenteng nangyari sa gabi ng parangal ng award-giving body na isa nang institusyon at taun-taong inaabangan ng libu-libong mga tao.

Sinaktan ni Will si Chris dahil hindi niya nagustuhan ang G.I. Jane joke ng komedyante tungkol sa kanyang asawang si Jada Pinkett Smith na may alopecia o hair loss.

Read: Oscars 2022: CODA wins Best Picture; Best Actor winner Will Smith slaps Chris Rock on live TV

Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ni Will na makatanggap ng halos kalahating milyong (469,840 and counting) komento sa kanyang Instagram post matapos ang pananakit na ginawa niya kay Chris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labing-apat na oras na ang nakalilipas nang i-post ni Will ang public apology para kay Chris. Pero tiniyak niyang disabled ang comments section ng kanyang Instagram account kaya nagkaroon siya ng kalayaan mula sa mga masasakit at mapanghusgang opinyon ng mga tao.

Read: Will Smith apologizes to Chris Rock; says slapping incident "unacceptable and inexcusable"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga kumakampi sa ginawa ni Will na pagtatanggol sa kanyang asawa, pero higit na marami ang kumukondena sa ginawa niya.

Read: Hollywood stars call out Will Smith for "narcissistic, entitled child man" act at the Oscars

Pinupuri naman ang inasal ni Chris matapos na sampalin ni Will dahil nagawa pa niyang magbiro at tapusin ang responsibilidad bilang presenter ng Best Documentary Features sa Oscars 2022.

Naging pabor kay Chris ang kontrobersiya dahil dumami ang bumili at tumaas ang presyo ng tickets (US$441) para sa kanyang live comedy show, ang Ego Death World Tour 2022.

chris rock new york post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Parehong nakinabang ang Instagram accounts nina Will at Chris sa naganap na gulo.

Mula sa 61.4 million, meron nang 61.9 million Instagram followers si Will.

will smith insagram

will smith instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantalang nadagdagan naman ng 200,000 ang 5.1 million Instagram followers ni Chris.

chris rock instagram

chris rock instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakaisa ang marami sa pagsasabing maling-mali ang bayolenteng aksyon ni Will laban kay Chris, pero paulit-ulit ang karamihan sa panonood ng eksenang trending hanggang sa kasalukuyan dahil likas na malakas ang hatak sa publiko ng mga kontrobersiya at karahasang kinasasangkutan ng mga taong kilala sa lipunan tulad ng mga artista.

ANA-KIT CONTROVERSY

Sa Pilipinas, biglang nakilala at pinag-usapan ang starlet na si Ana Jalandoni dahil sa pambubugbog sa kanya ng estranged boyfriend niya na si Kit Thompson.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

Malakas ang impact ng larawan ng namamaga at pasa-pasang mukha at katawan ni Ana kaya mula sa 1.2 million, umakyat sa 1.3 million ang kanyang Instagram followers.

ana jalandoni instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nabawasan ang mga taong sinusubaybayan niya (from 595 to 588), kabilang si Kit.

ana jalandoni instagram

Kontrabidang-kontrabida si Kit dahil sa pisikal na pananakit nito kay Ana kaya hindi nakapagtatakang hindi nadagdagan ang bilang ng kanyang 252,000 followers sa Instagram.

kit thompson instagram

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Ana, binawasan ni Kit ang mga taong sinusubaybayan niya (from 564 to 540) na maaaring may koneksiyon sa kanyang estranged girlfriend.

kit thompson instagram

Binura na rin nina Ana at Kit ang mga larawan na noong maayos pa ang kanilang relasyon at in love pa sila sa isa't isa.

Hindi magandang pakinggan, pero isang katotohanan na malaki ang naitutulong ng mga kontrobersiya at mga violent scandal kaya nakikilala ang mga showbiz personality na dating hindi pinagtutuunan ng pansin ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muli itong napatunayan sa kaso nina Kit at Ana.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man magandang pakinggan, pero isang katotohanan na malaki ang naitulong ng mga kontrobersiya at mga violent scandal kaya nadagdagan ang social media followers ng Hollywood stars na sina Chris Rock at Will Smith (kaliwa) at ang sexy star na si Ana Jalandoni (kanan, kasama ang boyfriend na si Kit Thompson).
PHOTO/S: Twitter / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results