PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval, aminadong nag-e-enjoy sa mga kinasasangkutang kontrobersiya

AJ Raval, nanindigang wala siyang sex video scandal.
by Jojo Gabinete
Published Mar 24, 2022
aj raval
AJ Raval: “Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng scandal na sex video. Pero naeskandalo na rin po ako sa mga issue before at, well, para sa akin, f*ck them all! Wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings.”
PHOTO/S: Facebook

Iskandalo ang pamagat ng original series na mapapanood sa Vivamax simula sa April 10, 2022.

Pinangungunahan ito nina AJ Raval, Ayanna Misola, Angela Morena, Sean de Guzman, Cindy Miranda, Francis Magundayao, at Jay Manalo.

Dalawa sa cast members ng Iskandalo ang nasangkot sa eskandalo dahil sa kanilang mga private video na kumalat sa Internet pero itinanggi nila, kahit may malinaw at matitibay ang mga ebidensiya.

Kabilang naman si AJ sa female cast ng Iskandalo na nanindigang wala siyang sex video scandal pero nasangkot noon sa mga nakakaeskandalong isyu.

Palabang saad ng sexy star: “Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng scandal na sex video.

"Pero naeskandalo na rin po ako sa mga issue before at, well, para sa akin, f*ck them all!

“Wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings.”

Pero nagpakatotoo si AJ na masaya o enjoy siya sa mga kinasasangkutang kontrobersiyang tila sukatan niya ng popularidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Honestly, parang nae-enjoy ko rin po yung may mga isyu-isyu, kasi that means may kinapupuntahan yung career ko.

"So, may part sa akin na pinagtatawanan ko sila dahil sa mga eskandalo na binubuo nila.

"Yun lang ang masasabi ko, parang nae-enjoy ko rin po siya."

Social media celebrity na may kumalat na sex scandal ang karakter na ginagampanan ni AJ sa 10-part original series ng Vivamax.

Noong nakaraang buwan, ibinalita ng Cabinet Files na nag-enroll si AJ sa isang English proficiency online course para magkaroon ng improvement ang kanyang communication skills at ang pagsasalita niya ng American language.

Sa ipinakita na trailer ng Iskandalo, may eksena si AJ na Ingles ang kanyang mga dialogue, na isang pruwebang may mga natutunan siya mula sa online course na pinagtuunan niya ng panahon para sa self-improvement.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval: “Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng scandal na sex video. Pero naeskandalo na rin po ako sa mga issue before at, well, para sa akin, f*ck them all! Wala na rin po akong masyadong pakialam. Wala rin po akong feelings.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results