Walang ipinagkaiba kay Valentine Rosales ang aktres na ginagamit ang social media dahil sa kagustuhang makuha ang atensiyon ng publiko.
Si Rosales ang isa sa mga isinangkot sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong January 1, 2021.
Napawalang-sala si Rosales pero pinaratangan siyang "famewhore" ng kanyang mga kapwa akusado na naabsuwelto rin sa kaso.
Inihingi ni Rosales ng paumanhin ang kuwentong inimbento niya tungkol sa isang lalakeng nagnakaw umano ng Bongbong Marcos tumbler sa P. Tuazon branch ng 7/11 convenience store na kanyang binayaran bilang supporter siya ni Vice President Leni Robredo.
Personal naming pinuntahan noong March 16, 2022 ang 7/11 branch na tinutukoy ni Rosales na pinangyarihan ng insidente, pero itinanggi ng sales personnel na nakausap namin ang kanyang kuwento dahil wala raw ganoong insidenteng nangyari.
Makalipas ang ilang araw, humingi na siya ng paumanhin.
Hindi binawi ni Rosales ang kanyang kuwento at hindi rin siya nagpakita ng awa sa staff ng convenience store na walang kamalay-malay at maayos na nagtatrabaho pero idinamay niya sa walang katotohanang isyu.
Hindi nalalayo sa ginawa ni Rosales ang drama ng aktres na panay ang post sa social media ng kanyang mga mamahaling gamit na naipundar.
Bukod sa sugapa sa atensiyon, gusto ng aktres na madagdagan ang bilang ng kanyang followers at likers dahil sa maling akala na ito ang basehan ng kasikatan.
Pinagtatawanan ang aktres ng mga tao sa kanyang paligid dahil alam nila ang katotohanan.
Hindi pa bayad ang aktres sa malaking halaga ng pera na inutang niya sa mga namamahala sa kanyang showbiz career kaya imposibleng makabili siya ng mga mamahaling gamit.
Malinaw na nagyayabang lamang ang aktres.
Dapat kabahan ang aktres dahil, sooner or later, tiyak na iimbestigahan ng mga mapanuri at maparaang netizens ang kanyang ginagawang panlilinlang hindi lamang sa publiko kundi higit sa lahat, sa sarili niya.