PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Josef Elizalde finally lands lead role after 14 years in showbiz

Josef Elizalde, leading man sa sexy-drama movie na Ex-Deal 2.
by Jojo Gabinete
Published Mar 22, 2022
josef elizalde
Former PBB housemate Josef Elizalde is the leading man in the sexy-drama movie Ex-Deal 2, which also features sexy stars Angela Morena and Rob Guinto.
PHOTO/S: Viva Films

Makaraan ang labing-apat na taong pagganap ng supporting roles, bida na si Josef Elizalde sa sexy-drama movie na Ex-Deal 2.

Lubos ang pasasalamat niya sa pagtitiwalang ipinagkaloob ng kanyang mother studio, ang Viva Films.

Si Josef ang leading man nina Angela Morena at Rob Guinto sa Ex-Deal 2. Pero noong una, nag-alinlangan siyang tanggapin ang alok na magbida sa pelikulang sequel ng 2011 hit film ng direktor na si Lawrence Fajardo.

“When I was offered this project, lead role pa, siyempre, I was very thrilled, I was very honored na I was given this opportunity after 14 years of being in the industry,” sabi ni Josef sa media conference ng Ex-Deal 2 na naganap nitong Lunes ng hapon, March 21, 2022.

“Although, meron akong konting hesitation kasi kailangan kong pag-isipang mabuti if kaya ko bang gawin ito, not only because of my personal… but also ayokong mabigo si Direk Law Fajardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayokong mabigo ang Viva na binigyan ako ng ganitong project tapos hindi ko maibibigay nang todo.

“But aside from that, I was really really happy and very thrilled.”

Nagsimula ang showbiz career ni Josef nang pumasok siya sa Pinoy Big Brother house bilang housemate ng Teen Edition Plus noong 2008. Pero ngayon lamang niya naranasang magbida sa pelikula.

May mga nag-akalang nagpapayat at nagpahaba ng buhok si Josef na bumagay sa kanya para sa karakter niya sa Ex-Deal 2 kaya may nilinaw siya sa mediacon ng pelikula nila nina Rob at Angela.

Saad niya, “Yung pagpapapayat ko is more of nagising na ako sa katotohanan na napakalaki ko na pala dati. Tapos nag-pandemic pa, mukha na akong balloon.

“I think it was time na rin for me to focus on my health for my health.

“Yung sa hair ko, nagpahaba na ako before pero tinamad lang akong magpagupit dahil nga pandemic nga so pinahaba ko na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas marami ang mga tao na nagsasabing mas may character sa akin yung ganitong buhok than my short hair.”

Nang tanungin tungkol sa mga paghahanda niya para sa kanyang launching movie, “wala” ang sagot ni Josef dahil nagkataon na talagang seryoso na siya sa pagbabawas ng timbang niya.

“Suwerte lang ako na nung in-accept ko yung project, I was really into fitness na because I’m trying to pursue a fitness journey soon,” paliwanag ni Josef.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpasalamat si Josef dahil sa mga makapansin at pumuri sa transformation ng kanyang physical appearance.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former PBB housemate Josef Elizalde is the leading man in the sexy-drama movie Ex-Deal 2, which also features sexy stars Angela Morena and Rob Guinto.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results