PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Black Panther director Ryan Coogler, napagkamalang bank robber

Misis ni Ryan Coogler, half-Pinay.
by Jojo Gabinete
Published Mar 12, 2022
ryan coogler
Lumabas na ang raw footage ng bodycam na nagpapakita ng pag-aresto sa Black Panther director na si Ryan Coogler matapos itong mapagkamalang bank robber ng teller ng Bank of America sa Atlanta, Georgia.
PHOTO/S: Instagram

Noon pang January 7, 2022 nangyari pero ngayon lamang lumabas ang balita at ang mga police report tungkol sa hindi makalilimutang karanasan ni Ryan Coogler, ang direktor ng 2018 Marvel blockbuster movie na Black Panther.

Napagkamalang bank robber si Coogler dahil sa kanyang suot na mask, sunglasses at cap nang subukan niyang mag-withdraw ng malaking halaga mula sa isang branch ng Bank of America sa Atlanta, Georgia.

May kasama ring handwritten note ang withdrawal slip na ibinigay ni Coogler sa black female bank teller.

Nakasulat sa handwritten note ng Hollywood director: “I would like to withdraw $12,000 cash from my checking account. Please do the money count somewhere else. I’d like to be discreet.”

Nataranta ang bank teller dahil lumabas sa kanyang computer ang alert notification na high-risk transaction ang ginagawa ng kliyente niya.

Agad na ipinaalam ng buntis na teller sa bank manager na, diumano, sinusubukan ni Coogler na nakawan ang bangko kaya humingi sila ng tulong sa mga pulis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis na dumating ang mga pulis na hinuli at pinosasan ang 35-year-old director na pumunta sa Atlanta para sa shooting ng Black Panther: Wakanda Forever, ang sequel ng Black Panther.

Noong Miyerkules, March 9, inilabas ang raw footage ng bodycam na nagpapakita sa buong pangyayari sa "wow mali" na pag-aresto ng Atlanta police kay Coogler sa loob ng Bank of America.

Malinaw na maririnig at mapapanood sa video ang nagulat na reaksiyon at pagtatanong ni Coogler: "Whoa, whoa, what’s going on?"

Pero nagpakita pa rin siya ng kooperasyon sa mga pulis habang pinoposasan.

“Hands behind my back, you got it. Is there any reason y’all doing this bro?” tanong ni Coogler pero hindi sumagot ang mga pulis na umaresto sa kanya.

Nang makalabas mula sa bangko, dinala si Coogler sa police car. Dito niya ipinakilala ang sarili sa mga pulis na humuli sa kanya.

Pinayuhan din ni Coogler ang mga pulis na tingnan sa Google ang pangalan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “If you just run my name, you’ll understand why you should take me off of these cuffs. You could not do it, but it’s going to be really bad for you.

“I’m really trying to keep it from being a bad day on your job, bro. Black man to black man.”

Nagtanong din si Coogler sa arresting police officers tungkol sa babaeng kasama niya at naghihintay sa kanyang sasakyan.

“This is unbelievable. Is that my Fil baby nurse? Y’all have her detained right now? The baby nurse. The Filipino woman who was in the back seat. Did y’all have detained her right now?” ang tanong ni Coogler.

Sagot ng pulis, “Yes, she’s being detained at this point.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Humingi ng paumanhin ang Bank of America kay Coogler sa pamamagitan ng isang official statement.

Napatunayang malaking halaga ng pera ang wini-withdraw ni Coogler mula sa bangko para ibigay sa medical assistant na nagtatrabaho para sa kanyang pamilya kaya gusto niyang maging discreet ang transaksyon nila ng bank teller na napagbintangan siyang robber.

Hindi sinabi sa mga report ang pangalan ng Filipino nurse na kasama ni Coogler nang mangyari ang insidente, pero pinaniniwalaang siya ang tinutukoy na medical assistant at nag-aalaga sa panganay na anak ng direktor at ng Filipino-American wife nitong si Zinzi Evans.

Pilipina ang ina ni Zinzi.

Isinilang at lumaki sa Oakland, California si Zinzi.

Isa siyang sign language interpreter, direktor ng short film na Locks, at may kinalaman sa production ng Space Jam: A New Legacy at Judas And the Black Messiah.

Nag-umpisa ang relasyon nina Zinzi at Coogler noong high school students pa lang sila. Nagpakasal ang dalawa noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumabas na ang raw footage ng bodycam na nagpapakita ng pag-aresto sa Black Panther director na si Ryan Coogler matapos itong mapagkamalang bank robber ng teller ng Bank of America sa Atlanta, Georgia.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results