May paliwanag at paglilinaw ang senatorial aspirant na si Atty. Salvador Panelo tungkol sa naging reaksiyon ni Sharon Cuneta nang kantahin niya sa isang campaign event ang "Sana’y Wala Nang Wakas."
Ang "Sana'y Wala Nang Wakas" ang 1986 hit song ng singer-actress na nilika ng yumaong composer na si Willy Cruz.
Ito ang original post ni Sharon sa Facebook nang makarating sa kaalaman niya ang pag-awit ni Panelo sa kanyang kanta:
“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”
“I’m sorry she feels that way,” umpisang paliwanag ni Panelo, na ginamit din ang kanyang social media page para depensahan ang sarili.
“It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.
“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it.
"I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us.
"I don’t understand what’s so offensive about that."
Iginiit ni Panelo na may permiso ng Viva Records ang paggamit niya sa "Sana’y Wala Nang Wakas" kaya wala sa kanyang planong wakasan ang pagkanta sa awit na ipinoprotesta ni Sharon.
Saad niya, “In any case, I did reach out to the copyright owner, Viva Records, and they've confirmed that I have permission to sing the song.
“I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin.’”