PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex-PBB housemate Josef Elizalde, magbibida na sa pelikula

Todo workout na si Josef bilang preparasyon para sa kanyang mga pelikula
by Jojo Gabinete
Published Mar 5, 2022
Rob Guinto
Josef Elizalde
Angela Morena
(L-R) Rob Guinto, Josef Elizalde at Angela Morena, ang lead stars ng pelikulang XDeal 2, sa ilalim ng Viva Films.

Labing-apat na taon na ang nakalilipas mula nang sumali si Josef Elizalde sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong March 2008, at ito ang naging umpisa ng kanyang showbiz career.

Josef Elizalde

Pero hindi pa siya nabibigyan ng pagkakataon na magbida sa pelikula dahil kadalasan, suporta ang mga karakter na ginagampanan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbunga na ang pagtitiyaga at matagal na paghihintay ni Josef dahil ngayong 2022, ganap na ang pagiging bida niya sa XDeal 2 at Doblado.

Si Josef ang lead actor sa XDeal 2 at siya ang leading man nina Angela Morena at Rob Guinto.

Gagampanan naman ni Josef ang role ni Ronan sa Doblado, isang mapaghamong papel na tiyak na susubok sa acting ability niya.

Bilang paghahanda sa Doblado, magkakaroon si Josef at ang kanyang co-stars ng acting at familiarization workshop para sa nalalapit na shooting ng kanilang pelikula sa Antipolo City sa darating na Lunes, March 7.

Makakasama ni Josef sa Doblado ang seasoned actors na sina Mark Anthony Fernandez, Kier Legaspi at Gwen Garci.

Naganap ngayong Sabado ng gabi, March 5, ang story conference ng Doblado at bakas sa mukha ni Josef ang excitement dahil sa bagong proyekto na ipinagkatiwala sa kanya ng mother studio niya.

At dahil “physically challenging” ang kanyang mga eksena, “May gym ba sa location?” ang tanong ni Josef na inaasahang may mga sexy scene sa launching movie niya kaya nagpapayat siya at nagpaganda ng katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si GB Sampedro ang direktor ng Doblado at siya ang nagpayo kay Josef na magdala na lamang ng basic equipment tulad ng free weight dumbbells kung sakaling walang malapit na gym sa kanilang filming location.

Ipinaalala rin sa cast ng pelikula na dalhin ang kanilang vaccination cards dahil mahigpit na ipatutupad sa set ng Doblado ang health protocols laban sa COVID-19, kahit nasa ilalim na ng Alert Level 1 ang National Capital Region at ang mga lalawigan sa Luzon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Rob Guinto, Josef Elizalde at Angela Morena, ang lead stars ng pelikulang XDeal 2, sa ilalim ng Viva Films.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results