Ang relasyon nila ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica ang isyu ngayon tungkol kay AJ Raval dahil nakita silang magkasama sa Tanauan, Leyte, noong Valentine’s Day.
Ang hindi alam ng karamihan, may mga ginagawa si AJ para sa personality development na siguradong magagamit niya sa kanyang propesyon bilang aktres.
Sa isang digital media conference noong September 2021, ipinagtapat ni AJ ang insecurity niya sa sarili, ang kawalan niya ng "class" sa pagsasalita at pagkilos.
Pahayag niya noon, “Lahat naman po tayo may insecurities. Sobrang laki ng insecurity ko sa kung paano ako magsalita.
“Sa totoo lang, wala akong ka-class-class magsalita at gumalaw pero pakonti-konti, tinatanggap ko sa sarili ko, ito ako.
"Nagiging totoo ako sa mga tao, which is mas lalo akong minamahal ng mga tao."
Sooner or later, tiyak na mapapansin ng mga tao ang malaking pagbabago sa pananalita ni AJ dahil nag-enroll siya sa English Proficiency online course.
Mas madali kay AJ ang online course para hindi masyadong maapektuhan ang kanyang mga trabaho.
Ipinagpaalam ni AJ sa production staff ang oras ng kanyang online course para hindi magkaroon ng conflict sa shooting schedule niya.
Sa mga baguhang sexy contract stars ng Viva, si AJ ang nangunguna sa kasalukuyan.
Si Angeli Khang ang pinakamahusay magsalita dahil bukod sa lumaki sa Amerika, nag-aral siya sa isang international school.
Kung seseryosohin ni AJ ang kanyang English Proficiency course, hindi imposibleng tulad ni Angeli ay maging magaling na rin ang kanyang communication skills na importante sa kanilang propesyon bilang mga showbiz personality.