PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez might skip presscon of movie with Meg Imperial

Tom Rodriguez, umiiwas na matanong tungkol sa kanila ni Carla Abellana?
by Jojo Gabinete
Published Feb 20, 2022
the last five years
Meg Imperial and Tom Rodriguez in the upcoming Vivamax movie The Last Five Years. I’ve done a lot of films but, I guess, ito yung pinaka-mature when it comes to story. Issues sa relasyon na di natin binibigyan ng pansin pero malaking parte why some relationships don’t last,” says Meg about her film with Tom.
PHOTO/S: Vivamax

Ang The Last Five Years ang bagong relationship movie ni Tom Rodriguez na pinagbibidahan nila ni Meg Imperial.

Nakatakda ang streaming ng The Last Five Years sa Vivamax sa March 4, 2022, pero malaki ang posibilidad na hindi sisipot si Tom sa upcoming press conference ng pelikula nila ni Meg.

May kinalaman pa rin ang isyu tungkol sa kanila ng kanyang misis na si Carla Abellana.

Mula nang mapabalitang may problema sa relasyon nila ni Carla, sunud-sunod ang mga TV guesting ni Tom pero limitado ang mga interbyu na kanyang pinauunlakan. Kadalasan, tungkol lamang sa karakter na ginagampanan niya ang paksa.

Naiintindihan ng mga miyembro ng entertainment press ang desisyon ni Tom na huwag magpainterbyu at iginagalang nila ang pananahimik ng aktor.

Maaaring mabigat pa ang pinagdaraanan nito, tatlong buwan matapos ang pag-iisang dibdib nila ni Carla sa isang simbahan sa San Juan, Batangas.

Kinunan sa bayan ng Alabat sa lalawigan ng Quezon ang mga eksena ng The Last Five Years, at mula ito sa direksiyon ni Lemuel Lorca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Last Five Years ang isa sa mga pelikulang ipinagmamalaki ni Meg kaya hinihiling nito sa lahat na suportahan ang proyekto nila ni Tom.

“I can’t wait na mapanood niyo ito. I’ve done a lot of films but, I guess, ito yung pinaka-mature when it comes to story.

“Issues sa relasyon na di natin binibigyan ng pansin pero malaking parte why some relationships don’t last,” sabi ni Meg tungkol sa kuwento ng kanilang pelikula na tila nararanasan ngayon ni Tom sa tunay na buhay.

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meg Imperial and Tom Rodriguez in the upcoming Vivamax movie The Last Five Years. I’ve done a lot of films but, I guess, ito yung pinaka-mature when it comes to story. Issues sa relasyon na di natin binibigyan ng pansin pero malaking parte why some relationships don’t last,” says Meg about her film with Tom.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results