PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao, last-minute replacement kay JC de Vera sa Mamasapano

Paolo, sumabak sa shooting isang araw pagkatapos matanggap ang offer.
by Jojo Gabinete
Published Feb 17, 2022
paolo gumabao, aljur abrenica, jc de vera
Paolo Gumabao (kaliwa), natanggap ang offer para sa Mamasapano: Now It Can Be Told isang gabi bago magsimula ang shooting ng pelikula. Si Paolo ang pumalit kay JC de Vera (kanan, kasama si Aljur Abrenica), na umatras sa pelikula.

Ang pagdalo ni former First Gentleman Mike Arroyo sa virtual media conference ng Mamasapano: Now It Can Be Told ang kumpirmasyong kasosyo siya ni Atty. Ferdinand Topacio sa Borracho Film Production.

Ginanap ang media conference ngayong Huwebes ng hapon, February 17, 2022.

Ilan sa mga bida ng Mamasapano ay sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Marco Gomez, Allen Paule, Ritz Azul, at ang magkapatid na Jojo at Rey Abellana.

Kasama si JC de Vera sa original cast pero si Paolo ang ipinalit sa kanya nang palitan ng mga producer ng Mamasapano ang production team, kabilang ang direktor na si Lawrence Fajardo.

Paglilinaw ni Atty. Topacio, “Ang reason kung bakit nawala si JC, without revealing too much, very valid yung kanyang naging dahilan kung bakit hindi niya naituloy at naunawaan po namin.

“Wala pong problema. Wala po kaming naging problema kay Mr. JC de Vera. Valid po yung kanyang excuse kung bakit hindi siya nakabalik. Wala pong problema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last-minute replacement si Paolo kay JC.

Ikinuwento ni Paolo ang mga nangyari nang matanggap niya ang alok ng Borracho noong gabi ng January 2, 2022.

“Nag-start po yung shoot namin, January 3. And nalaman ko lang po na ako raw yung kapalit ni JC de Vera, January 2 ng around 10 p.m. or 9 p.m.

“I was in the middle of something that night and may tumawag, ‘Pao, anong gagawin mo ng January 3 to January 10?’

“Sabi ko, 'Wala naman po. '

“Pina-send ko agad yung script, so siyempre I had to do my homework. I watched documentaries about yung nangyari talaga. May animations pa sila.

“It was really important for me to understand the role, and to really understand the story at the same time, ‘coz it’s a true story. Hindi siya basta-basta lang na role, hindi siya fictional na character, kailangan accurate talaga.”

Hindi pa sinasabi ni Atty. Topacio ang playdate ng Mamasapano: Now It Can Be Told.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero umaasa siyang maipalalabas sa mga sinehan ang kanilang pelikula na magpapakita sa mga nangyari noong January 25, 2015 sa trahedyang kumitil sa buhay ng apatnapu’t apat (44) na miyembro ng Special Action Force, ang elite unit ng Philippine National Police.

Ang Mamasapano incident ay ginagamit na kritisismo sa kampo ng yumaong President Noynoy Aquino. Si Mike Arroyo, asawa ng dating President Gloria Macapagal, ay nasa katunggaling kampo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Gumabao (kaliwa), natanggap ang offer para sa Mamasapano: Now It Can Be Told isang gabi bago magsimula ang shooting ng pelikula. Si Paolo ang pumalit kay JC de Vera (kanan, kasama si Aljur Abrenica), na umatras sa pelikula.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results