PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bro. Eddie Villanueva on Vice Ganda-Ion Perez wedding celebration

Dating ABS-CBN creative manager, tutol sa ginawang wedding celebration sa It's Showtime.
by Jojo Gabinete
Published Feb 17, 2022
vice ganda ion perez
Vice Ganda (right) on his marriage to Ion Perez (left): “Kahit hindi siya i-acknowledge ng batas sa Pilipinas, wala akong pakialam. I just want to celebrate our love for each other sa harapan ng mga tao na nagmamahal sa amin.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Marami ang bumati kina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa same-sex wedding nila na naganap sa The Little Vegas Chapel sa Las Vegas, Nevada noong October 19, 2021.

Pati na sa kanilang wedding celebration, na live na napanood sa It’s Showtime kahapon, February 16, 2022.

Ipinagbunyi ito ng kanilang mga co-host.

Napaiyak si Regine Velasquez, na hinarana sina Vice at Ion ng awiting "Ikaw," nga lang ay nakalimutan niya ang unang linya ng lyrics.

regine velasquez vice ion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung may mga natuwa sa pagpapakasal ng dalawa, mayroon ding hindi sang-ayon sa ginawang wedding celebration nina Vice at Ion sa It’s Showtime.

Isa sa nagbigay ng pahayag tungkol sa live broadcast ng wedding celebration nina Vice at Ion ay ang former ABS-CBN creative manager at John En Ellen director na si Willy Cuevas.

Saad ni Cuevas, “Okay lang na magpakasal sila, trip nila yun. But me, as a Christian, hindi okay sa amin yung ipangalandakan pa sa nakararami via TV. Huwag nang ipauso.

“I believe in the sanctity of marriage, not a mere certificate of commitment. Love or something you perceive as love, for me, is not an excuse to sin."

Matapos sabihing kasalanan ang ginawa nina Vice at Ion, nakakagulong dagdag ni Cuevas: “But I can’t judge them. Sabi nga sa Eat Bulaga, ‘Bawal ang judgmental.’ Peace!”

Bukod sa Kapamilya Channel, ipinapalabas din ang It's Showtime sa A2Z, ang television network na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva, pinuno ng religious community na Jesus Is Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais malaman ng mga nanood ng It’s Showtime wedding celebration ang reaksiyon ni Bro. Eddie sa palabas na natunghayan sa kanyang network.

May koneksiyon ito sa tweet niya noong Valentine’s Day, February 14.

Tweet ni Villanueva: “Bahagi ng pagkilatis sa kandidato: Ano naging stand niya sa Same sex marriages, divorce law, abortion, gambling inside home, protecting corrupt officials and greedy people etc. which invite God’s Wrath to the Nation?! (Col.3:5-6).”

bro. eddie villanueva tweet

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa si Villanueva sa mga natuwa, at naglabas pa ng pahayag, sa final decision ng Supreme Court noong Enero 2020 na hindi magiging legal sa Pilipinas ang same-sex marriage.

“The Supreme Court ruling reaffirms our belief that we are in the right path when we stand to defend that marriage is just and must be confined between man and woman.

"It is not only the divine will of God, it is also the standing spirit and will of the laws of our land,” bahagi ng opisyal na pahayag noon ni Bro. Eddie.

Taliwas ito sa sinabi ni Vice sa It’s Showtime kahapon: “Kahit hindi siya i-acknowledge ng batas sa Pilipinas, wala akong pakialam. I just want to celebrate our love for each other sa harapan ng mga tao na nagmamahal sa amin.”

Postscript: Sa kanyang matagal na paglilingkod sa ABS-CBN bilang creative manager, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Willy na makatrabaho si Vice sa mga shows na hawak niya. Pero bilib daw siya sa talento ng comedian-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ako nagkaroon ng chance na makatrabaho si Vice pero nagpupunta ako sa mga show niya sa comedy bars.

“Nang mapanood ko siya, na-impress ako dahil magkasunod na gabi ako nanood.

"Dumarating si Vice ng 12 a.m. o 1 a.m. para umakyat sa stage pero hindi siya nag-uulit ng jokes. Kaya sinabi ko sa contestant/talent coordinator ng Game Ka Na Ba? na kunin siya.

“Ako ang creative manager ng Game Ka Na Ba?, kinuha siyang contestant kaya nagustuhan siya ng direktor namin na si Bobet Vidanes,” pagbabalik-tanaw ni Willy, na nagtatrabaho ngayon bilang creative manager ng Viva Television.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (right) on his marriage to Ion Perez (left): “Kahit hindi siya i-acknowledge ng batas sa Pilipinas, wala akong pakialam. I just want to celebrate our love for each other sa harapan ng mga tao na nagmamahal sa amin.”
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results