PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man with three tongues featured in The Best Ka! pilot episode

Infotainment show ni Mikael Daez, magsisimula na sa Feb. 20.
by Jojo Gabinete
Published Feb 15, 2022
the best ka
Ipakikilala sa kauna-unahang pagkakataon sa publiko ang lalakeng may tatlong dila (inset) sa pilot episode ng infotainment show ni Mikael Daez (left) na The Best Ka!
PHOTO/S: GMA Network

Ang Guinness World Records best of the best ang mapapanood sa The Best Ka!, ang infotainment show ni Mikael Daez sa GMA-7 na magsisimula sa darating na Linggo, February 20, 2022.

Hindi lamang ang world-record holders ng Guinness ang matutunghayan sa The Best Ka! dahil ipakikita rin sa programa ang mga Pilipinong may pambihirang katangian at papasa sa Guinness World Records.

Kabilang na rito ang 26-year-old Filipino na isinilang na tatlo ang dila.

Natagpuan ng researcher ng The Best Ka! ang lalakeng may tatlong dila sa isang probinsya sa Northern Luzon.

Kahit minsan, hindi pa napapanood ang mystery guy sa ibang mga TV show at walang mababasang balita tungkol sa kanya sa social media.

Interesting ang heartwarming story ng lalakeng nagtataglay ng tatlong dila na puwedeng makapasa sa Guinness World Records kaya kaabang-abang ang paglabas niya sa The Best Ka!

Ayon sa direktor ng infotainment show ni Mikael na si Tata Betita, ipakikilala nila sa publiko ang lalakeng may talong dila sa pilot telecast ng The Best Ka! sa February 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Direk Tata, “Hindi mabigat ang research dahil meron nang foreign materials.

"Ang mabigat for us, yung local components, kasi aside from mga international record-holder, naghahanap din kami ng local features na pang-Guinness World Records.

"Medyo mahirap yun kasi iniiwasan na namin yung mga nakita na. Naghahanap talaga kami ng mga bago.

"So, yung mga napanood niyo na sa ibang show, sa ibang channel, nabasa niyo na sa social media, tina-try naming huwag nang isama yun sa mga ipi-feature namin and for this pilot episode.

“Sa tulong ng researchers namin, merong kakaiba sa kanya, meron siyang tatlong dila.”

Si Mikael ang solo host ng The Best Ka! pero makakasama niya bilang guest co-host sa pilot telecast ang kanyang misis na si Megan Young.

Si Megan ang itinuturing ni Mikael na kontribusyon nito sa The Best Ka! dahil ang kanyang asawa ang kauna-unahang Pilipina at nag-iisa, as of now, na kinoronahang Miss World noong September 28, 2013 sa Bali, Indonesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipakikilala sa kauna-unahang pagkakataon sa publiko ang lalakeng may tatlong dila (inset) sa pilot episode ng infotainment show ni Mikael Daez (left) na The Best Ka!
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results