PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby Concepcion no more politics after failed mayoraty bid

Gabby Concepcion reprises President Glenn Acosta role in First Lady.
by Jojo Gabinete
Published Feb 14, 2022
gabby concepcion first lady
Gabby Concepcion on his President Glenn Acosta role: “Wala naman akong binabasehang presidente na dapat kong gayahin dahil iba-iba ho naman sila kapag nasa bahay na. So, interpretation ko na lang. Marami rin akong pinanood pero hindi ko nakikita yung ano sila sa bahay nila.”
PHOTO/S: @concepciongabby on Instagram

Dalawang beses nang gumanap si Gabby Concepcion bilang presidente ng Pilipinas sa telebisyon.

Una sa First Yaya at sa sequel nitong First Lady, na may premiere telecast sa GMA-7 ngayong Valentine's Day, February 14, 2022.

Kahit naranasan na ni Gabby bigyang-buhay sa telebisyon ang karakter ng isang pangulo ng bansa, wala sa kanyang planong pumasok sa pulitika dahil sa naging karanasan niya noon.

Hindi na alam ng mga kabataan ngayon na minsan nang sinubukan ni Gabby na pasukin ang mundo ng pulitika nang kumandidato siya noong mayor ng San Juan City pero hindi pinalad manalo.

Apparently, malaking leksyon ang natutunan ni Gabby mula sa kanyang nabigong mayoralty bid kaya kuntento na siya sa pag-arte.

“Nagkaroon na ho ako ng konting experience diyan, pero sa ngayon, wala ho,” may katiyakang sagot ni Gabby nang tanungin kung may political plans dahil sa kanyang President Glenn Acosta character sa First Yaya at First Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Gabby na hindi siya nakaramdam ng pressure nang gampanan niya ang katauhan ni President Acosta sa First Lady dahil hindi naman siya kandidato para sa anumang posisyon sa halalan sa May 2022.

Pero makahulugan ang kanyang pahayag tungkol sa mga pulitikong “scripted” ang mga salitang binibitiwan.

“Tungkol sa eleksyon, walang akong pressure dahil hindi naman talaga ako tatakbo.

"Kaya ang gusto natin talagang ipakita, katulad nang sinabi ni Direk [L.A. Madridejos, First Lady director], kung ano ang mga nangyayari behind the scenes ng mga nakikita nating politicians na puro kampanya ang ginagawa, scripted lahat ng mga sinasabi nila bago sila humarap [sa mga tao].

"Ito naman, of course, may script na, pero ito yung nangyayari sa bahay nila bukod sa personal na buhay nila."

Para sa kanyang karakter sa First Lady, sariling interpretasyon ang ipakikita ni Gabby sa televiewers dahil wala siyang tinularang presidente ng bansa.

“Wala naman akong binabasehang presidente na dapat kong gayahin dahil iba-iba ho naman sila kapag nasa bahay na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, interpretation ko na lang. Marami rin akong pinanood pero hindi ko nakikita yung ano sila sa bahay nila,” pahayag ni Gabby.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion on his President Glenn Acosta role: “Wala naman akong binabasehang presidente na dapat kong gayahin dahil iba-iba ho naman sila kapag nasa bahay na. So, interpretation ko na lang. Marami rin akong pinanood pero hindi ko nakikita yung ano sila sa bahay nila.”
PHOTO/S: @concepciongabby on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results