PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dapat Alam Mo!, papalit sa timeslot ng Wowowin sa GMA-7

Programa nina Kuya Kim, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak, lalarga sa GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Feb 7, 2022
Dapat Alam Mo!, Kim Atienza, Emil Sumangil, Patricia Tumulak, Wowowin, Willie Revillame
Mula sa GTV, ililipat sa GMA-7 ang Dapat Alam Mo! at matutunghayan ito simula sa Valentine’s Day, February 14. Ang hosts ng Dapat Alam Mo! ay sina Emil Sumangil, Kim Atienza, at Patricia Tumulak (left). Ang host ng Wowowin ay si Willie Revillame (right).
PHOTO/S: Dapat Alam Mo! / Wowowin

Pormal na magpapaalam si Willie Revillame sa GMA-7 sa darating na Biyernes, February 11, 2022.

Ito ang hudyat ng napipintong paglipat niya sa ibang television station, ang AMBS-Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni former Senate President Manny Villar.

Malapit na malapit sa puso ni Willie si Villar.

Read: Willie Revillame, top executive ang puwesto sa TV network ni Manny Villar?

Ang programa na ipapalit sa timeslot na mababakante ng Wowowin ang tanong ng karamihan.

Nagkaroon ito ng kasagutan ngayong Lunes nang gabi, February 7, dahil sa teaser na inilabas ng GMA Public Affairs.

"May dapat kayong malaman. Ngayong Pebrero sa GMA!" ang teaser tungkol sa programa nina Kim Atienza, Emil Sumangil, at Patricia Tumulak na napapanood sa GTV simula pa noong October 2021.

Ang news magazine show na Dapat Alam Mo! ang pansamantala na ilalagay ng GMA-7 sa iiwanan na timeslot ng Wowowin.

Mula sa GTV, ililipat sa GMA-7 ang Dapat Alam Mo! at matutunghayan ito simula sa Valentine’s Day, February 14.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat Alam Mo!

Inanusyo naman ni Kim sa social media na mapapanood na ang Dapat Alam Mo! sa Kapuso Network tuwing 5:30 p.m., Lunes hanggang Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FAMILY FEUD PHILIPPINES

Lumitaw rin ang balita na malaki ang posibilidad na mapanood sa dating timeslot ng Wowowin ang game show na Family Feud Philippines. Pero sa huling linggo pa ng Pebrero ang umpisa ng taping ng magbabalik-Kapuso Network na programa.

Isang American television game show ang Family Feud. Si Richard Gomez ang unang host ng Philippine version nang mapanood ito sa GMA-7 mula 2008 hanggang 2009.

Noong 2011, si Edu Manzano ang napili ng GMA-7 bilang host ng Family Feud.

Si Ogie Alcasid ang host ng Family Feud nang umere ito sa ABC-5 noong 2001 hanggang 2002.

At ngayong 2022, magkakaroon ng announcement tungkol sa showbiz personality na bagong host ng franchise game show na eere muli sa Kapuso Network.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa GTV, ililipat sa GMA-7 ang Dapat Alam Mo! at matutunghayan ito simula sa Valentine’s Day, February 14. Ang hosts ng Dapat Alam Mo! ay sina Emil Sumangil, Kim Atienza, at Patricia Tumulak (left). Ang host ng Wowowin ay si Willie Revillame (right).
PHOTO/S: Dapat Alam Mo! / Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results