PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daring act ni Paolo Gumabao sa Silip Sa Apoy, tiyak na pagdedebatehan

Totoo ba o prosthetics?
by Jojo Gabinete
Published Jan 28, 2022
paolo gumabao silip sa apoy
Imposibleng hindi pag-usapan ang split-second daring act ni Paolo Gumabao sa Vivamax movie na Silip Sa Apoy dahil tiyak na magiging sentro ng debate ng mga taong mag-iisip kung prosthetics o totoo ang kanyang ipinakita.
PHOTO/S: Vivamax

Sa nakaraang virtual media conference ng Silip Sa Apoy, nagsalita si Sid Lucero na naloka siya sa ginawa ni Paolo Gumabao sa eksenang naninilip ito sa “very, very graphic” sex scene nila ni Angeli Khang.

Read: Paolo Gumabao, may ginawa na ikinaloka ng co-stars niya sa Silip Sa Apoy

Pinatotohanan ni McArthur Alejandre ang pasabog na eksena ni Paolo na tinutukoy ni Sid sa pinakamatapang na pelikulang ginawa niya bilang direktor.

Imposibleng hindi pag-usapan ang split-second daring act ni Paolo. Tiyak na magiging sentro ng debate ng mga taong mag-iisip kung prosthetics o totoo ang kanyang ipinakitang magpapaalala sa eksena ni Paulo Avelino sa Fan Girl at ni Kit Thompson sa Ang Sarap Mong Patayin.

Ang Silip Sa Apoy ang pinakamapangahas na proyekto ni Alejandre dahil masyadong matatapang sa paghuhubad sina Sid, Paolo, at Angeli sa harap ng kamera.

Pero habang pinapanood ang pelikula, na mula sa panulat ng respected at award-winning writer na si Ricky Lee, ang interesting story at ang mahuhusay na pagganap ng mga artista ang nangingibabaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ng lahat na magaling na aktor si Sid pero nakipagsabayan sa kanya si Paolo, sa isang pagganap na worthy of an acting recognition.

May dahilan naman para lalong galingan ni AJ Raval ang pag-arte dahil malaking banta sa kanya si Angeli na kapwa niya baguhan pero nakakabilib ang acting ability at sensitive portrayal sa ginampanang karakter.

Nakilala ang Vivamax dahil sa erotic movies na ipinalalabas nila mula noong January 2021. Pero sa record ng naturang streaming site, eight percent (8%) lamang ang adult-themed contents.

Hindi lamang ang mga sexy movie ang pinapanood sa Vivamax dahil marami ang tumatangkilik sa ibang mga film genre.

Sa kasalukuyan, 384 local movies, apat na documentaries, 107 Hollywood films, 113 Korean, 55 Asian, 26 Celestial titles, thirty concerts, at 24 series ang nilalaman ng Vivamax.

Pero hindi na basta mapapanood ng mga menor de edad ang mga pelikulang may mature themes at language dahil kailangan ng Parental Control PIN, ang self-regulation policy na mahigpit na ipinatutupad bilang isang responsible streaming site.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para mapanood ang Silip Sa Apoy at ibang sexy movies sa Vivamax, may Parental Control Pin na kailangan dahil ipinaubaya ng Vivamax sa mga magulang o sa mga nakatatanda ang pagpapasya kung papayagan nila ang mga batang panoorin ang mga content na may mga maseselang kuwento at eksena.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imposibleng hindi pag-usapan ang split-second daring act ni Paolo Gumabao sa Vivamax movie na Silip Sa Apoy dahil tiyak na magiging sentro ng debate ng mga taong mag-iisip kung prosthetics o totoo ang kanyang ipinakita.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results