Malapit nang maging ama ang isang young actor.
Buntis ang kanyang girlfriend na hindi artista pero may kapatid na aktres at anak ng aktor na may regular na programa sa telebisyon.
Magiging ganap na ang pagiging ama ng young actor sa April 2022 dahil ito ang due month of pregnancy ng girlfriend niya.
Suportado ng mga magulang ng young actor ang bagong kabanata sa buhay ng anak nila dahil, para sa kanila, isang malaking biyaya ang pagkakaroon ng anak at sabik na rin silang magkaroon ng apo.
Nagsasama na ngayon nang lihim ang young actor at ang kanyang buntis na girlfriend.
Sa murang edad, ipinakita ng young actor ang pagiging responsable dahil sa pagmamahal, pag-aasikaso, at pag-aalaga niya sa kanyang karelasyon.
Malaki ang posibilidad na aminin ng young actor sa mga susunod na araw na malapit na siyang maging tatay dahil kahit anong lihim ang kanyang gawin, tiyak na lalabas ang katotohanan, lalo na sa katulad niyang showbiz personality.
Sa kasaysayan ng local entertainment industry, hindi gaanong nakakaapekto sa career ng mga aktor ang pagkakaroon ng anak sa pagkabinata at mapapatunayan ito nina Aga Muhlach at Dennis Trillo.
Kaya puwedeng makabawi ang young actor kung paghuhusayin nito ang pag-arte, mamahalin at pahahalagahan nang husto ang propesyong pinasok niya.