PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto on status of relationship with sister Marjorie

"Si Marjorie at ako, we were civil naman, pero alam mong wala na..."
by Jojo Gabinete
Published Jan 24, 2022
claudine sister marjorie
Claudine Barretto on spending time with sister Marjorie and her children on New Year: "It was, I think, the best New Year of my life. I’m sure, may dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat. I was just able to enjoy my nephews and nieces again, after two years nung nagkagulo sa wake ng dad ko."
PHOTO/S: Instagram

Sa digital media conference ng Deception ngayong Lunes ng gabi, January 24, 2022, tinanong kay Claudine Barretto ang mga bagong nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

Hindi naging maramot si Claudine sa pagsagot dahil nagbigay siya ng mga bagong detalye tungkol sa pagsasama nila ng kanyang estranged sister na si Marjorie Barretto at ng mga anak nito sa pagsalubong sa pagpasok ng 2022.

Related Story: Claudine Barretto spotted with estranged sister Marjorie in family reunion; have they reconciled?

“My mom just got out of the hospital two days ago because of COVID,” umpisang kuwento ni Claudine.

“Yes, we had a great New Year. Sinalubong namin ang bagong taon na sobra-sobrang masaya dahil magkakasama kami ng pamilya, ng buong pamilya ko.

“It was such a touching experience. Nakaka-miss yung mga pamangkin ko, nakasama ko ulit.

“Si Marjorie at ako, we were civil naman, pero alam mong wala na... wala nang gulo. Alam mong may peace na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Claudine, "It was, I think, the best New Year of my life. I’m sure, may dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat.

"I was just able to enjoy my nephews and nieces again, after two years nung nagkagulo sa wake ng dad ko."

Pumanaw ang ama nina Claudine at Marjorie na si Miguel Barretto noong October 15, 2019.

BEFORE AND AFTER THE ELECTIONS

Bukod sa paglalahad tungkol sa mga kaganapan sa kanyang personal na buhay, tiniyak ni Claudine na magiging aktibo siya sa showbiz pagkatapos ng halalan sa May 9, 2022.

Pansamantalang magpapahinga sa pag-arte si Claudine dahil magiging abala na ito sa pangangampanya para sa kanyang kandidatura bilang konsehal ng Olongapo City.

Pero may mga proyekto na siyang nakatakdang gawin pagkatapos ng eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Claudine, “After the campaign, I’ll be starting a movie already.

"Itong buong campaign period, I’m not allowed to do guestings or to come out on TV. So, tamang-tama, ipalalabas na yung Deception sa Vivamax sa January 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“After the elections in May, puwede na ulit akong mag-start ng bagong show. Meron akong show at pelikula na gagawin.”

Tututukan daw ni Claudine ang social services sa Olongapo City kung sakaling palarin siyang manalong konsehal.

Saad niya, “Social services, anything that’s under social services. Ang maganda kasi sa ticket namin, meron kaming doctors, meron kaming plataporma na, 'Ikaw, ito ang gagawin mo.'

“May sari-sarili kaming mga homework at saka projects na dapat gawin namin. So, maganda talaga at talagang nagkakaisa kami sa ticket namin.

“Let’s make Olongapo a better place. Mabalik yung saya, yung pagiging maligalig ng Olongapo dati.”

Ayon kay Claudine, hindi pa niya nararanasang manlinlang ng kapwa sa tunay na buhay tulad ng kuwento ng Deception, ang reunion movie nila ni Mark Anthony Fernandez.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto on spending time with sister Marjorie and her children on New Year: "It was, I think, the best New Year of my life. I’m sure, may dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat. I was just able to enjoy my nephews and nieces again, after two years nung nagkagulo sa wake ng dad ko."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results