PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, todo hataw sa workout para sa Agimat ng Agila Book 2

Bong Revilla, naniniwalang di mawawala sa uso ang action films
by Jojo Gabinete
Published Jan 23, 2022
Bong Revilla
Bong Revilla, sumabak sa mas matinding training at workout para sa Book 2 ng Agimat ng Agila na eere na sa GMA-7 sa January 29. Sabi niya, “Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo."

Hindi naniniwala si Senator Bong Revilla, Jr. na mawawala na ang mga action movie at ginamit niyang basehan ang mga tunay na pangyayari noong dekada ’70 na ikinuwento ng kanyang ama, ang namayapang aktor na si Ramon Revilla, Sr.

“Action films will always be there. Mawawala iyan for a while pero babalik iyan. Maski noong panahon ng '70s, ikinukuwento ng tatay ko [Ramon Revilla, Sr.] at ni FPJ [Fernando Poe, Jr.], nung pumasok yung bold movies, nawala yung action films pero bumalik pa rin.

“So, action films like sa television, ngayon, mas in yung television, babalik at babalik iyan. Tayo naman hangga’t nandirito tayo, kaya pa natin umaksyon, gagawa tayo ng magagandang aksyon para hindi mawala ito,” paliwanag ni Bong nang tanungin siya tungkol sa kapalaran ng action movies sa naganap na virtual mediacon ng Season 2 ng Agimat ng Agila ngayong Linggo ng hapon, Enero 23.

Magbabalik at muling mapapanood sa GMA-7 ang sequel ng Agimat ng Agila dahil tinangkilik ng televiewers ang Book 1 ng comeback project ni Bong sa telebisyon, matapos ang halos walong taong pagpapahinga mula sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaghandaan ni Bong ang Season 2 ng Agimat ng Agila sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang at araw-araw na ehersisyo para sa mga death-defying action stunt na siya mismo ang gumawa.

“I’m very proud of this project at magagaling talaga yung mga kasamahan ko.

“Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo.

“I work out almost every day. I do my boxing and kick boxing. Pati yung mga rolling-rolling na iyan, pagulong-pagulong, nandoon pa rin yung training.

Bong Revilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi tayo puwedeng kumawala diyan kasi lalo na sa mga ginagawa nating action scenes," ang kuwento ni Bong na nagbiro na 35-years-old ang kanyang pakiramdam.

Bong Revilla

Binanggit ni Bong na makikita ng televiewers sa Season 2 ng Agimat ng Agila ang pagkakaiba ng kanyang physical appearance sa unang season ng drama action fantasy series na pinagbibidahan niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bong Revilla, sumabak sa mas matinding training at workout para sa Book 2 ng Agimat ng Agila na eere na sa GMA-7 sa January 29. Sabi niya, “Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results