PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao, Vince Rillon say kissing men easier than women

Bakit nga ba mas madaling humalik ng lalaki kesa babae, Paolo at Vince?
by Jojo Gabinete
Published Jan 16, 2022
Vince Rillon, Paolo Gumabao
Ayon kina Vince Rillon (top) at Paolo Gumabao (bottom), mas kumportable silang makipaghalikan sa lalaki kesa sa babae.
PHOTO/S: Sisid publicity photo

Hindi nahirapan sina Paolo Gumabao at Vince Rillon sa mga kissing scene nila sa Sisid dahil para sa kanila, mas madali ang makipaghalikan sa kapwa lalaki.

Isang marine biologist ang karakter na ginagampanan ni Paolo sa Sisid at sina Vince at Kylie Verzosa ang mga love interest niya sa pelikula.

Ayon kay Paolo, naging kumportable siya sa mga kissing scene nila ni Vince dahil mas malaking hamon sa kanya ang makipaghalikan sa babae.

“For me, mas kumportable ako at mas nadadalian ako kapag ang ka-kissing scene ko ay lalaki, kasi you don’t have to be that delicate. You can tell them na, 'Oy, bro, okey lang ba na gawin ko ito?'

“Mas challenging sa babae because you have to be more careful. Siyempre, sila ay babae and we want to do our best to respect them, so mas madali para sa akin ang kissing scene sa lalaki. Mas carefree siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa kanyang karanasan, naniniwala rin si Paolo na walang ipinagkaiba ang pakikipaghalikan sa lalaki at babae dahil higit na importante ang nararamdaman na damdamin.

“Hindi na namin pinaplano o pinaghahandaan kung paano mag-kissing scene [sa Sisid].

“Ang kissing scene sa lalaki at kissing scene sa babae, parehas lang ‘yan. There’s no such thing as this is how to kiss a guy. This is how to kiss a girl. It just feels the same.”

Gaya ni Paolo, hindi nahirapan si Vince sa mga eksena na kailangan na maghalikan sila dahil alam niya na tunay na lalaki ang kanyang co-star sa Sisid.

Ipinagtapat ni Vince na naging hamon sa kanya ang mga diving scene niya sa pelikula dahil hindi siya diver sa tunay na buhay.

“Mas nahirapan ako sa diving scenes. Sa mga kissing scene, hindi naman po ako nahirapan kasi alam kong [tunay na] lalaki si Paolo. Alam ko yung limitasyon namin bilang totoong Vince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po talaga ako diver so nakakuha ako ng aral na alam kong magagamit ko sa mga susunod.”

Ang Sisid ang unang pagsasama nina Paolo at Vince sa pelikula na mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Ang Sisid ang kauna-unahang sexy drama movie ng Viva Films na magkakaroon ng premiere sa Vivamax Plus sa Martes, January 18, 2022.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kina Vince Rillon (top) at Paolo Gumabao (bottom), mas kumportable silang makipaghalikan sa lalaki kesa sa babae.
PHOTO/S: Sisid publicity photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results