PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo on bashers of her colorful love life

Sharlene San Pedro, "protective" kay Heaven Peralejo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 16, 2021
heaven peralejo
Heaven Peralejo on how she handled heartaches: "Kakaiba yung 2021 ko, pero siguro nung pumunta ako sa Siargao, parang ang dami kong na-realize. Ang laki pa pala ng mundo. Na kaya ko ito. Na marami pa ang magiging problema na mas mahirap."
PHOTO/S: @heavenperalejo on Instagram

Humarap sa mga miyembro ng entertainment press sina Ricci Rivero, Sharlene San Pedro, at Heaven Peralejo ngayong Huwebes ng gabi, December 16.

Magsisimula na kasi bukas, December 17, ang streaming sa Upstream.ph ng Happy Times, ang Upstream original movie na pinagbibidahan nila.

Isa si Heaven sa mga kontrobersiyal na artista ng 2021 dahil sa pagkakaroon ng makulay na love life.

Isa sa mga tanong sa kanya ay kung paano niya nalampasan ang mga batikos ng netizens para magkaroon siya ng happy times at happy life.

Hindi nagdalawang-isip si Heaven sa pagsagot dahil, para sa kanya, masaya pa rin siya sa katapusan ng araw.

“Tinake [tinanggap] ko lang naman kasi masaya pa rin naman ako at the end of the day, like, nagmahal pa rin naman ako nang tunay and marami rin learnings.

“Like, with the help of family and friends, naka-survive din, and ngayon pahinga muna sa love life,” sagot ni Heaven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit hindi tinatanong, sumingit si Sharlene.

“Magiging protective lang po ako nang slight kay George," pagtukoy niya sa pangalan ng karakter ni Heaven sa Happy Times.

"Puwede po ba na pass na sa mga ganyang tanong kasi medyo healing po, e,” pagsawsaw ni Sharlene, na nagpakita ng slight rudeness dahil sa kanyang pagsabat kahit para kay Heaven ang tanong.

Reaksiyon ni Heaven, “Kaya naman, Shar. Kapatid mo ito, ‘no. Siyempre, strong ito.”

Bago tinanong si Heaven tungkol sa ginawa nito para malampasan ang mga naranasang pagsubok sa kanyang love life, sinagot muna niya si MJ Marfori ng TV5 na nagtanong kung paano niya nalampasan ang mga luha noong 2021.

Sabi ni Heaven, “Kakaiba yung 2021 ko, pero siguro nung pumunta ako sa Siargao, parang ang dami kong na-realize. Ang laki pa pala ng mundo.

“Na kaya ko ito. Na marami pa ang magiging problema na mas mahirap.

“Nandiyan si Mom, tinutulungan din niya ako kung paano i-handle. Nandoon din sila to support me all the way kahit may times na parang naggi-give up na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Mom pa rin yung naniniwala na kakayanin ko and, true enough, kinaya naman. Masaya naman.”

Inamin ni Heaven na meron nang social media manager ang mga social media account dahil ayaw niyang umiikot lang sa social media ang kanyang buhay.

Sinabi ni Heaven na naging mas masaya at kalma ang buhay nito mula nang magkaroon siya ng social media administrator.

Bukod sa kanyang bihira nang paggamit ng cellphone, hindi na raw niya iniisip ang sasabihin ng mga tao.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo on how she handled heartaches: "Kakaiba yung 2021 ko, pero siguro nung pumunta ako sa Siargao, parang ang dami kong na-realize. Ang laki pa pala ng mundo. Na kaya ko ito. Na marami pa ang magiging problema na mas mahirap."
PHOTO/S: @heavenperalejo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results