PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beatrice Luigi Gomez on Miss Universe judge Marian Rivera

Marian Rivera, di napigil ang pagpapakita ng suporta kay Beatrice kahit bawal.
by Jojo Gabinete
Published Dec 15, 2021
Beatrice Luigi Gomez and Marian Rivera at Miss Universe 2021
Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez on Marian Rivera's all-out support: “The reason behind during the preliminary na hindi ko matanggal yung ngiti ko is because nakikita ko siya na nagtsi-cheer. And kahit bawal sa kanila, as part of the panel of judges, na mag-cheer for their country, nagtsi-cheer pa rin siya palagi."
PHOTO/S: Tracy Nguyen for Miss Universe / Screengrab from Miss Universe 2021

Malaki ang kinalaman ni Marian Rivera sa kakaibang confidence na ipinamalas ni Beatrice Luigi Gomez sa preliminary competition at coronation night ng 70th Miss Universe dahil sa suportang ibinigay ng Kapuso Primetime Queen sa Philippine candidate.

Kabilang si Marian sa mga miyembro ng selection committee ng 70th Miss Universe.

Ayon kay Beatrice, na Top 5 finalist, ipinagbabawal sa mga huradong lantarang magpakita ng suporta o saya para sa mga kandidata ng kanilang bansa.

Pero tulad ng isang tunay na makabayang Pilipino, walang nakapigil sa asawa ni Dingdong Dantes.

Nasaksihan ng fans maging noong preliminary competition, dalawang araw bago ang koronasyon, kung paano todo-palapak si Marian nang makita nito si Beatrice na rumampa sa stage.

Napansin din ito mismo ni Beatrice dahil malapit lang ang puwesto ng judges sa stage.

Marian Rivera clapping at Beatrice Luigi Gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Beatrice patungkol kay Marian, “The reason behind during the preliminary na hindi ko matanggal yung ngiti ko is because nakikita ko siya na nagtsi-cheer.

"And kahit bawal sa kanila, as part of the panel of judges, na mag-cheer for their country, nagtsi-cheer pa rin siya palagi.

“She commends me, nakikita ko kung yung mga ginagawa ko, approved ba sa kanya. So, instead na mag-transition yung expression ko sa stage, hindi ko na siya nagawa kasi nung nakita ko siya, masayang-masaya na lang talaga ako. Naka-smile na lang ako all the way.

"So, sinabi ko yun sa kanya, and she told me na she was really proud of my performance, my achievement and my placement sa Miss Universe competition.”

Beatrice Luigi Gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng media si Beatrice nang humarap siya sa virtual mediacon na ipinatawag ng Miss Universe Philippines Organization nitong Martes ng gabi, December 14, ilang oras bago siya bumalik sa Pilipinas mula sa Israel, ang host country ng 70th Miss Universe.

PINOY PAGEANT FANS

Notorious o kilala ang mga Pilipino bilang pasimuno sa pagbatikos o sa bashing kapag naramdaman nilang inaapi ang mga Filipina candidate na kalahok sa mga international beauty pageant.

Pero walang tatalo sa mga Pilipino sa pagpapakita ng suporta sa mga kababayan natin, at personal itong naranasan ni Beatrice sa Israel.

Labad niya, “During our opening number, that’s when I felt the warmth of the Filipino people, seeing all the flags raised in there.

“Pinakamarami po sa audience ang mga Pinoy, dun po ako nagkaroon ng lakas ng loob and I became more confident.”

Taos-puso ang pasasalamat ni Beatrice sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na maligayang-maligaya at ipinagmamalaki ang performance niya sa 70th Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel.

Nabanggit din ni Beatrice sa naganap na virtual mediacon na si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India ang naging pinakamalapit na kaibigan niya sa beauty pageant na kanilang nilahukan kaya mahigpit ang yakap nila sa isa’t isa nang magkita sila, isang araw matapos ang coronation night.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong Miyerkules, December 15, ang nakatakdang pagbalik ni Beatrice sa Pilipinas. Gaya ng ibang mga balikbayan at turista, sasailalim muna siya sa mandatory quarantine sa isang IATF-accredited quarantine facility.

Inanunsiyo ni Voltaire Tayag, director of comminications ng Miss Universe Philippines Organization, na bilang pagkilala sa karangalang inihatid ni Beatrice sa Pilipinas, may pinaplano silang parada na mangyayari makalipas ang Pasko at Bagong Taon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez on Marian Rivera's all-out support: “The reason behind during the preliminary na hindi ko matanggal yung ngiti ko is because nakikita ko siya na nagtsi-cheer. And kahit bawal sa kanila, as part of the panel of judges, na mag-cheer for their country, nagtsi-cheer pa rin siya palagi."
PHOTO/S: Tracy Nguyen for Miss Universe / Screengrab from Miss Universe 2021
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results