Matinding galak ang naramdaman nina Miss Universe 1994 Sushmita Sen at Miss Universe 2000 Lara Dutta nang mapanalunan ni Harnaaz Kaur Sandhu ang korona ng Miss Universe 2021.
Ginanap ang grand coronation ng 70th Miss Universe sa Eilat, Israel nitong December 12 ng gabi (December 13 ng umaga sa Pilipinas).
Si Harnaaz ang ikatlong babae mula sa India na nagwaging Miss Universe.
Si Sushmita ang kauna-unahang Indian na nanalong Miss Universe.
Nanalo siya sa 43rd edition ng beauty pageant na ginanap sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa Pasay City noong May 21, 1994 kaya malapit na malapit sa kanyang puso ang mga Pilipino at ang ating bansa.
Pangalawa si Lara, at nakuha nito ang titulo noong 2000, o dalawampu’t isang taon na ang nakalilipas kaya may drought ding naranasan sa naturang beauty pageant ang India.

Sushimita Sen, Harnaaz Sandhu, Lara Dutta
“Sooo proud of you!!!” ang umpisa ng congratulatory message ni Sushmita para sa 21-year-old Miss Universe 2021 mula sa India.
“Congratulations. Thank you for representing India so beautifully, for bringing back the Miss Universe Crown to India after 21 years (by a 21-year-old, you were destined).
“May you enjoy every moment of learning & sharing this incredible global platform that Miss Universe will provide you. May your reign supreme!" kabuuan ng mensahe ng pagbati ni Sushmita kay Sandhu sa Instagram.
Idinaan naman ni Lara sa Twitter ang kanyang pagbati kay Harnaaz.
Mensahe ng Miss Universe 2000: "Congratulations @HarnaazSandhu03 !!!! Welcome to the club!!!
"We’ve waited 21 long years for this!!! You make us SO SO proud!!! A billion dreams come true!!! @MissDivaOrg @MissUniverse"
URVASHI RAUTELA
Iyak naman nang iyak ang Indian actress na si Urvashi Rautela nang ideklara si Harnaaz bilang Miss Universe 2022.
Si Urvashi ang bagong "BFF at kumare" ni Marian Rivera dahil kapwa sila miyembro ng selection committee ng 70th Miss Universe.
Hindi napigilan ni Urvashi na mapaiyak dahil sa tagumpay ni Sandhu, at puwede niyang akuin na malaki ang partisipasyon niya sa panalo ng kanyang kababayan.
Alam na alam ni Urvashi ang pakiramdam ng isang beauty pageant contestant dahil siya ang kinatawan ng India sa 64th Miss Universe noong December 20, 2015.

Urvashi Rautale in Miss Universe 2015
Nabigo si Urvashi na makabilang sa Top 15 candidates ng 64th Miss Universe na makasaysayan para sa mga Pilipino dahil si Pia Wurtzbach ang nag-uwi ng korona.
Hindi man napansin sa Miss Universe noong 2015, "back with a vengeance" si Urvashi bilang selection committee member ng 70th Miss Universe.
Tiniyak ng "BFF ni Marian" na mag-adlib muna para magkaroon ng sariling moment bago nagtanong kay Miss South Africa Lalela Mswane sa Question-and-Answer segment at nagtagumpay siya.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.