PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dingdong Dantes low-key sa Miss Universe 2021 prelims

"I don’t mind being this judge’s Water Boy..."
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2021
Marian Rivera and Dingdong Dantes at Miss Universe 2021 prelims
Habang ang spotlight ay na kay Marian Rivera, very proud ang husband at "water boy" niyang si Dingdong Dantes.
PHOTO/S: Dingdong Dantes (main); Marian Rivera on Facebook Story (inset)

Kasama ni Marian Rivera sa Israel ang kanyang supportive husband na si Dingdong Dantes.

Kaninang madaling araw, December 12, 2021, ipinaubaya ng aktor sa misis ang spotlight.

Isa si Marian sa miyembro ng 70th Miss Universe na ginaganap sa Eilat, Israel.

Sa lengguwaheng kalye, hindi maepal si Dingdong tulad ng ibang aktor na tiyak na makikipag-agawan ng moment at sasamantalahin ang mga ganoong pagkakataon para mapansin at mapag-usapan.

Superstar ang kategorya ni Dingdong sa Philippine entertainment industry, pero nang umalis sila ni Marian papunta sa Israel noong December 6, hindi siya nagpainterbyu sa news team na nag-abang sa pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport.

Nalaman lang ng publiko na kasama siya dahil sa mga litratong kuha ng mga kababayan nating nakasabay nila sa check-in counter ng NAIA at kumalat sa iba’t ibang social-media platforms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa recent Instagram post ni Dingdong, aniya, "I don’t mind being this judge’s Water Boy during tonight’s preliminary event."

Nanatili lamang siya sa background at nagsilbing official chaperone ni Marian.

At dahil sa mga larawan at Facebook live video ni Dingdong sa venue ng 70th Miss Universe na kanyang ibinabahagi, updated sa balita at parang nasa Israel na rin ang pakiramdam ng supporters nila ni Marian at mga fanatics ng Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang pagkakaroon ng 25 million fans sa Facebook ang isa sa mga dahilan kaya inimbitahan ng Miss Universe Organization si Marian na maging miyembro ng all-female selection committee ng 70th Miss Universe.

Mula nang personal na kumpirmahin ni Marian ang partisipasyon niya bilang judge sa Miss Universe 2021, nadagdagan ng isang milyon ang users ng Facebook fan page niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At tiyak na ang ngayo'y 26 million fans ay madaragdagan pa hanggang sa coronation night na magaganap sa Universe Arena, Eilat, Israel, sa Linggo, December 12 (Lunes, December 13 ng umaga, Philippine time).

Sigurado na mas marami ang mga Pilipinong manonood ng final show ng 70th Miss Universe dahil sa presence ni Marian bilang interesado ang lahat na mapanood at mapakinggan ang itatanong niya sa mga finalist sa question-and-answer segment.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang ang spotlight ay na kay Marian Rivera, very proud ang husband at "water boy" niyang si Dingdong Dantes.
PHOTO/S: Dingdong Dantes (main); Marian Rivera on Facebook Story (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results