PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss France, balik-rampa Miss Universe 2021 10-day quarantine

Miss France, kinarir ang Tiktok vids habang naka-quarantine
by Jojo Gabinete
Published Dec 11, 2021
Miss Universe France 2021 Clemence Botino
Miss Universe France 2021 Clemence Botino, tuloy ang pagrampa sa Miss Universe 2021 prelims nang mag-test siyang negative matapos ang kanyang 10-day quarantine sa Eliat, Israel.

Hindi nawalan ng saysay ang pagpunta ni Miss France Clemence Botino sa Israel para sa 70th Miss Universe dahil pinayagan na siyang lumahok sa nabanggit na beauty pageant sampung araw matapos na mag-positibo sa COVID-19 ang 24-year-old French beauty queen.

Miss Universe France 2021 Clemence Botino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Fully-vaccinated at negative sa coronavirus si Botino nang umalis ito sa France kaya ikinabigla at iniyakan niya ang resulta ng COVID test sa kanya nang dumating siya sa Israel.

Agad na dinala si Botino sa isang quarantine facility sa Jerusalem pero makalipas ang sampung araw, binigyan siya ng clearance para ipagpatuloy ang kanyang Miss Universe journey sa Eilat, Israel.

Sa kabila ng nangyari sa kanya, hindi nawalan ng pag-asa si Botino na nilibang ang sarili sa paggawa ng TikTok videos habang nasa quarantine facility siya.

Hindi pinanghinaan ng loob si Botino dahil ayon sa kanya, “Even if it’s hard, I won’t give up. Life has brought me to Israel and everything is ready. Every situation are supposed to make us stronger.”

Malaki ang naitulong kay Botino ng kanyang hindi inaasahang karanasan dahil ibinuhos niya ang husay sa pagrampa sa preliminary competition ng 70th Miss Universe na naganap kagabi, December 10, sa Eilat at live na napanood sa Pilipinas nitong Sabado ng madaling araw, kaya marami sa Filipino beauty pageant fans ang napuyat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe France 2021 Clemence Botino, tuloy ang pagrampa sa Miss Universe 2021 prelims nang mag-test siyang negative matapos ang kanyang 10-day quarantine sa Eliat, Israel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results