PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhen Escaño on trailer of Girl Love series with Rita Martinez

Sigrid Andrea Bernardo, gustong basagin ang impressions tungkol sa lesbians.
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2021
rhen escano rita martinez lulu
Rhen Escaño on watching romantic scenes with Rita Martinez in GL series Lulu: “Kung ano po yung napi-feel ko noong shoot namin, mas doble nang makita ko yung mga eksena. Sana maramdaman din po ng mga tao yun... Parang nakakatuwa na kinilig ako sa sarili ko, kinilig ako sa mga ginagawa ko."

Ang Lulu ang unang Girl Love series project ni Rhen Escaño, pero isang lesbian movie ang launching movie nila ni Cindy Miranda noong November 2019, ang Adan.

Ang former The Voice Philippines finalist na si Rita Martinez, na isang lesbian sa tunay na buhay, ang romantic partner ni Rhen sa Lulu.

Kinunan ang mga eksena ng Lulu sa San Antonio, Zambales. Nakatakda ang streaming nito sa Vivamax sa January 22, 2022.

Nang mapanood ni Rhen sa kauna-unahang pagkakataon ang teaser ng Lulu, ipinagtapat niya ang naramdamang kilig na bihirang-bihirang mangyari sa kanya.

“Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Nakakakilig po talaga,” pag-amin ni Rhen.

“Kung ano po yung napi-feel ko noong shoot namin, mas doble nang makita ko yung mga eksena. Sana maramdaman din po ng mga tao yun.

"Nakaka-excite siya kasi, ako mismo, madalang ko na maramdaman yun sa sarili ko na ma-convince ko ang sarili ko sa ginagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang nakakatuwa na kinilig ako sa sarili ko, kinilig ako sa mga ginagawa ko."

GIRL LOVE SERIES

Mula sa concept at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo ang Lulu, na unang Girl Love series project niya. Pero tungkol din sa same-sex relationship ang kanyang directorial debut noong 2013, ang critically acclaimed movie na Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

Malapit sa puso ni Direk Sigrid ang mga kuwentong may kinalaman sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community dahil sa kanyang mga kaibigan at personal na karanasan.

Pahayag ng direktor, “Marami akong kaibigang members ng LGBT community and some of them, based sa experience ko rin, so why not make a film close to my heart?

“Meron pa rin akong ibang themes na pelikula. Usually, lahat naman siguro ng direktor o writer merong laging something about themselves na inilalagay nila sa bawat pelikula para mas may puso at totoo kapag pinanood.

“Definitely lahat ng mga pelikula ko o series, meron ako doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay rin ng opinyon si Direk Sigrid tungkol sa katotohanang mas marami ang mga producer at direktor na gumagawa ng Boy Love series kesa Girl Love series.

“Siguro, bihira ngayon ang GL kasi yun ang laging impression ng mga tao, na kapag lesbian ka, kapag babae ka, ang intindi nila, mas emotional.

“Yun ang tingin nila sa mga babae, lalo na yung society. Kapag nagme-make ng point, madaldal, so tumatawid siya sa pagiging lesbian.

“Kapag lesbian, mas maraming struggle, seryosong tao, and wala silang sense of humor.

“Ang hindi nila alam, normal din na tao ang mga lesbian. Nasasaktan, may sense of humor, at iba-iba ang characters.

"So, very important na ipakita sa mga series at new films kung ano yung mga totoong characters ng lesbians, hindi lang sa gays.

"Ang gays, alam na natin ‘yan, mas marami na silang pelikula or series. So, its about time to make more GL movies para maipakita at para mabasag kung anuman yung impressions sa lesbians," saad ni Direk Sigrid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño on watching romantic scenes with Rita Martinez in GL series Lulu: “Kung ano po yung napi-feel ko noong shoot namin, mas doble nang makita ko yung mga eksena. Sana maramdaman din po ng mga tao yun... Parang nakakatuwa na kinilig ako sa sarili ko, kinilig ako sa mga ginagawa ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results