PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs inaming may inaway; Andrew E. mahaba ang pasensya

Janno: "Magbasa lang kayo, magbasa lang kayo, may inaway ako."
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2021
janno gibbs andrew e
Janno Gibbs on Andrew E.: “Si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone. Isa mga na-discover ko kay Andrew, mas generous siya ngayon. Grabeng magregalo si Andrew sa staff, pati sa aming mga artista.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Kahit hindi nagbanggit na pangalan si Janno Gibbs, madaling hulaan na ang nakaalitang TV host-comedienne ang kanyang tinutukoy nang sagutin niya ang aming tanong sa virtual media conference ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie (O Sige) ngayong Lunes ng gabi, December 6.

Sina Andrew E., Dennis Padilla, at Juliana Parizcova Segovia ang co-stars ni Janno sa naughty comedy movie na closing at opening salvo ng Vivamax sa pagtatapos ng 2021 at pagsisimula ng 2022.

Naranasan na ba nilang maging sanggano sa tunay na buhay para depensahan ang kanilang mga sarili ang tanong namin sa cast ng pelikula.

Walang pagdadalawang-isip na sinagot ito ni Janno.

Pag-amin niya, “Ako na siguro yung pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis [Padilla].

“Kung kailan ako naging sanggano? Lately lang din.

"Magbasa lang kayo, magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin niyo lang."

Pinuri naman ni Janno si Andrew E. dahil sa kabutihan at pagkakaroon nito ng mahabang pasensya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone,” papuri ni Janno.

“Isa mga na-discover ko kay Andrew, mas generous siya ngayon. Grabeng magregalo si Andrew sa staff, pati sa aming mga artista.”

Tatlong dekada na ang showbiz career ni Andrew E. Pero ni minsan, hindi niya naranasang masangkot sa mga gulo at eskandalo dahil siya na rin ang nagsabing mahaba ang kanyang pasensya.

“In the three decades of being a movie actor or being a rapper, napatunayan ko na po sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista at ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan.

“So, kahit sinuman, hindi niyo kayang ubusin ang pasensya ko po. For me, nasabi ko sa sarili ko na may patience is very, very wild and long,” pag-amin ni Andrew E.

Postscript: Si Kitkat ang tinutukoy ni Janno na nakaaway nito na naging dahilan para kapwa sila matanggal bilang mga host ng noontime show ng Net25 na Happy Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Just recently, naulit ang pagpapalitan ng dalawa ng maaanghang na salita sa chat group ng mga komedyante na kinabibilangan nila.

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs on Andrew E.: “Si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone. Isa mga na-discover ko kay Andrew, mas generous siya ngayon. Grabeng magregalo si Andrew sa staff, pati sa aming mga artista.”
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results