PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diego Loyzaga on issue of Barbie Imperial and AJ Raval

Barbie Imperial, tinanong kung "daks" ba ang nobyong si Diego Loyzaga.
by Jojo Gabinete
Published Dec 3, 2021
barbie imperial diego loyzaga dulo
Diego Loyzaga: "Kaming dalawa, wala na kaming kailangang sabihin tungkol doon.And hindi rin kami ni Barbie yung tipo ng tao na kailangan manira ng ibang tao o magsalita tungkol sa ibang tao para malinis ang mga pangalan namin, because there’s nothing that we need to clean in the first place, and I wanna leave it at that."
PHOTO/S: Zoom

Walang nangahas magtanong sa magkasintahang sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial tungkol sa mga pang-iintriga sa kanilang relasyon na kinasasangkutan din ng sexy star na si AJ Raval.

Bago nagsimula ang virtual media conference ng Dulo ngayong Biyernes ng hapon, December 3, 2021, nagbitaw agad ng mahigpit pero magalang na pakiusap sa entertainment writers ang 26-year-old actor.

Sabi ni Diego, “Ako lang ang magsasalita, on behalf of the both of us. Barbie doesn’t have to say anything at all.

"So to all our friends today, unang-una, gusto kong magpasalamat. Once again, you’ve given us the time of your day to spend with us, to promote our movie.

"I know it’s inevitable that someone will gonna ask certain questions so I want to be the one na mauna na and talk about it briefly.

"All I want to say nga po is, today, we are here to promote and to talk about our movie, and I want [it] to stay that way. Tungkol lang sa movie, everything about the movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now, if other people are mentioned or if other questions are mentioned about other people who are not part of this project, this Zoom, this meeting, wala akong kailangan sabihin tungkol doon."

Dagdag ng aktor, "Kaming dalawa, wala na kaming kailangang sabihin tungkol doon.

"And hindi rin kami ni Barbie yung tipo ng tao na kailangan manira ng ibang tao o magsalita tungkol sa ibang tao para malinis ang mga pangalan namin, because there’s nothing that we need to clean in the first place and I wanna leave it at that.

"I want this to be a positive experience. I want this to be a positive presscon and good vibes lang. Happy…. Happy kami!!

"So, please, let’s not entertain anything else. Let’s leave it at that."

"DEX" OR "DAKS"

Pinagbigyan naman ito ng entertainment writers na dumalo sa media conference ng Dulo.

"Dex" ang pangalan ng karakter ni Diego sa Dulo, at sa official trailer ng pelikula, may isang eksenang "Hi Daks" ang sinabi sa kanya ng karakter ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa seryosong pakiusap ni Diego sa entertainment press, naging magaan ang takbo ng mediacon nang tanungin ang dalawa kung “Dex or Daks” ba talaga ang pangalan ni Diego sa pelikula.

Natawa si Barbie nang marinig nito ang tanong, sabay sabing, “Ang ganda nung question! Dex po yung pangalan niya sa movie.”

Pero sumingit ang presscon moderator na si Giselle Sanchez at diretsahang tinanong ang aktres: "Yung description, Barbie, daks ba?"

“Grabe, ate!!!” ang nagulat pero natawang reaksiyon ni Barbie.

“Joke lang para masaya!” bawi ni Giselle.

“We’ll keep it between the both of us,” ang patay-malisya namang sabi ni Diego.

Ang Dulo ay mapapanood sa Vivamax simula sa December 10, 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga: "Kaming dalawa, wala na kaming kailangang sabihin tungkol doon.And hindi rin kami ni Barbie yung tipo ng tao na kailangan manira ng ibang tao o magsalita tungkol sa ibang tao para malinis ang mga pangalan namin, because there’s nothing that we need to clean in the first place, and I wanna leave it at that."
PHOTO/S: Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results