PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera, bibisita kaya sa birthplace ni Jesus Christ sa Israel?

"Given a chance, bakit hindi? Sana mabigyan ng pagkakataon."
by Jojo Gabinete
Published Dec 3, 2021
marian rivera miss universe 2021
Kapuso Primetime Queen Marian Rivera is chosen as member of the Selection Committee of the 70th Miss Universe to be held in Eilat, Israel on December 12, 2021.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

Ang mabisita ang lugar na sinilangan ni Hesus Kristo sa Bethlehem ang isa sa mga unang pumasok sa isip ni Marian Rivera nang makumpirma ang pagpunta niya sa Israel.

Pupunta ng Israel ang Kapuso Primetime Queen dahil napili at inimbitahan siyang maging miyembro ng selection committee ng 70th Miss Universe na magaganap sa Eilat, Israel sa December 12, 2021.

Ngayong Biyernes ng hapon, December 3, sa pamamagitan ng isang virtual press conference na inorganisa ng GMA Network, pormal nang inanunsiyo ang pagkakapili kay Marian bilang miyembro ng selection committee sa Miss Universe 2021.

Tinanong ng Cabinet Files si Marian kung may pagkakataon ba siyang mapuntahan ang birthplace ni Hesus Kristo sa Bethlehem at sa kinalakihan nitong Jerusalem na, kung saka-sakali, lalong magiging makabuluhan para sa kanya dahil sa nalalapit na Pasko.

Sagot ng aktres, “Actually, nung way, way back na tinawagan kami ng Miss Universe, isa ‘yan sa mga nasa isip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang problema ngayon, nagkaroon ng mas mahigpit dahil sa nangyayari doon so hindi ko alam kung mabibigyan kami ng chance o papayagan o bukas ba siya dahil sa nangyayari.

“Pero given a chance, bakit hindi? Sana mabigyan ng pagkakataon.

"Pero kung hindi, siyempre kailangan namin sumunod sa mga protocol ng Israel, kung ano ang hindi at dapat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakda sa December 6 ang biyahe sa Israel ni Marian at ng kanyang entourage.

Ikinuwento ni Marian sa virtual presscon kanina na punumpuno na agad ang kanyang schedule bilang selection committee member ng 70th Miss Universe sa pagdating niya sa Israel sa December 7 hanggang sa coronation night sa December 12.

Ang international fashion designer na si Francis Libiran ang gumawa ng gown na gagamitin ni Marian sa 70th Miss Universe.

Coincidentally, si Francis din ang magbibihis kay Beatrice Luigi Gomez, ang official candidate ng Pilipinas sa pinakaprestihiyosong international beauty pageant.

Ang 70th Miss Universe ang unang international beauty pageant stint ni Marian bilang judge.

Pero hindi baguhan ang Kapuso star para sa nasabing responsibilidad dahil kabilang siya sa mga hurado sa 45th edition ng Binibining Pilipinas noong March 8, 2008.

Ang special participation ni Marian sa 70th Miss Universe ang isang dahilan kaya inaasahang madaragdagan ang bilang ng mga Pilipinong susubaybay sa live telecast ng beauty pageant na mapapanood sa Pilipinas sa December 13, 2021.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RELATED STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso Primetime Queen Marian Rivera is chosen as member of the Selection Committee of the 70th Miss Universe to be held in Eilat, Israel on December 12, 2021.
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results