PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Verzosa, Cindy Miranda, dedma sa pahayag ni Maxine Medina?

Cindy at Kylie, suportado ang pagsabak sa showbiz ni Rabiya Mateo.
by Jojo Gabinete
Published Nov 21, 2021
Kylie Verzosa
Maxine Medina
Cindy Miranda
(L-R) Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Universe 2016 finalist Maxine Medina, and Binibining Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda and all beauty queens who made a crossover to showbiz.

Dedma lang sina Kylie Verzosa at Cindy Miranda sa naunang pahayag ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Maxine noong November 4, 2021, sinabi nitong hindi niya kayang sundan ang pagpapaseksing ginagawa nina Kylie at Cindy sa pelikula.

"For me, hindi talaga ako ready sa ganoon," diin ni Maxine noon.

Bahagi ng paliwanag niya: "Kinalakihan ko na rin po talaga yung very conservative..."

Pero hindi naman daw minamasama ni Maxine ang "path" na tinatahak ng ibang beauty queens.

"...that’s my opinion. I think, yung ginagawa naman nila is art."

Walang paliguy-ligoy pero maikli ang sagot ni Kylie tungkol sa deklarasyon ni Maxine.

“I respect her decision and I wish her the best."

Hindi naman sinagot ni Cindy ang tanong tungkol kay Maxine, pero bago ito napag-usapan sa presscon ng My Husband, My Lover, magiliw siyang nagkuwento tungkol kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na pumasok na rin sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Our Miss Universe [Philippines 2020] Rabiya, she actually messaged me na sobrang tuwang-tuwa raw siya sa akin. Nakaka-inspire daw ako kasi nakikita nga niya yung mga post ko

“Sabi ko nga sa kanya, I wanted to meet her kasi never pa kami nag-meet in person. Natutuwa ako, pina-follow niya ako, tinitingnan niya yung mga stories. Sana makatrabaho ko siya.”

Hindi lamang si Cindy ang may kuwento tungkol kay Rabiya dahil ibinahagi rin ni Kylie ang pagkikita nila ng former Miss Universe Philippines titleholder.

“Nakasama ko siya the other day," ang sabi ni Kylie.

“Very sweet girl, I think na nasa GMA na siya. Feeling ko, gusto niya talagang maging aktres so we support her.”

Ang reaksiyon nina Cindy at Kylie sa naging pahayag ni Maxine ang isa sa mga itinanong sa kanila nang humarap sila sa entertainment writers noong Biyernes, November 19, para sa virtual media conference ng My Husband, My Lover, ang pelikula nila na mapapanood sa Vivamax simula sa November 26, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Universe 2016 finalist Maxine Medina, and Binibining Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda and all beauty queens who made a crossover to showbiz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results